Fans ni Daniel nag-away-away dahil sa natitirang sa ‘DOS’ concert


HOW true, nag-aaway-away daw ang mga taong bumibili ng tickets para sa “DOS” concert ni Daniel Padilla na gaganapin ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum?

Tsika sa amin ng taga-monitor ng tickets ay marami raw ang nagagalit sa takilyera sa Araneta dahil ang mga ipinareserbang ticket daw mismo ng mama ni Daniel na si Karla Estrada ay ibinenta na rin nang hindi man lang ipinaalam.

Sold-out ang concert tickets ni DJ bossing Ervin para sa “DOS” concert niya kaya muling nagbukas ng puwesto na puwedeng pagsingitan ng mga gustong manood ngayong gabi at dahil siguro nasilip ‘yung mga pinareserbang tickets ng mama ni Daniel, pati ‘yun ay ibinenta na rin.

Sabi namin, kalakaran na talaga ‘yan kapag malakas ang show at hindi pa binabayaran o nakukuha ang mga ipina-reserve na tickets ay talagang ibinibigay na iyon sa mga bibili lalo’t babayaran na agad.

Maging sa opisina ng Star Cinema ay nagkakagulo raw ang mga taong may kinalaman sa nasabing concert dahil pati sila ay kinukulit kung saan pa makakabili o makakahingi ng tickets.

Ganyan kalakas si Daniel kaya naman kinaiingitan siya ng ibang leading man ng ABS-CBN.

( Photo credit to danielpadillafanpage )

Read more...