NANG dahil sa “killer dikya”, biglang nabago ang mga pananaw ni Anne Curtis sa ilang bagay-bagay. Ayon sa leading lady nina Sam Milby at Gerald Anderson sa Primetime Bida serye na Dyesebel, itinuturing niyang isang eye-opener ang pagkakadale sa kanya ng jellyfish habang nagte-taping ng Dyesebel sa isang beach resort.
Sey ni Anne, feeling niya, ikalawang buhay na niya ito kaya naman marami siyang na-realize sa kanyang personal na buhay.
“It put a lot of things in perspective.
It is an eye-opener sa things that I value and what I want to make the most out of,” chika ni Anne sa isang interview. Hindi pa rin pala tuluyang gumagaling ang mga sugat sa katawan ni Dyesebel matapos mabiktima ng dikya, pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho niya.
“It’s a lot better, konti pa. Back at work but may bandage. We are able to fix it naman,” sey pa ng TV host-actress. Kaya naman bilib na bilib sa kanya ang kanyang mga katrabaho, lalo na ang mga co-stars at production staff nila sa Dyesebel dahil sa kabila nga ng sunud-sunod na problemang dumating sa buhay niya, patuloy pa rin siyang nagpapaka-professional.
Imagine, hindi biro ang inabot niya nang mabiktima siya ng “killer dikya”, at hindi rin madaling dedmahin ang mga isyung ibinato sa kanya nitong mga nakaraang linggo, pero hindi siya nag-iinarte o nagrereklamo sa kanyang trabaho.
Kaya naman good karma ang kapalit nu’n. Nangunguna pa rin sa ratings game ang Dyesebel at sandamakmak pa rin ang kanilang commercials. Ibig sabihin, patuloy pa rin ang pagtitiwala sa kanya ng mga manonood at advertisers.
Samantala, sa mga susunod na eksena sa Dyesebel, matagpuan na kaya niya ang magic kabibe na maaari niyang magamit para magkaroon ng paa para maisakatuparan ang plano niyang manirahan na sa mundo ng mga tao.
Paano nga kaya kapag muling nagkrus ang landas nila ni Fredo (Gerald)? At paano na ang sirenong si Liro (Sam) kapag namuhay na siya bilang isang tao?
Naku, tiyak na mas magiging kapana-panabik ang inyong mga gabi sa pagtutok sa sirena serye ng ABS-CBN, lalo na kapag nagkita na sina Dyesebel at ang isa pa sa magiging kontrabida sa buhay niya – si Betty (Andi Eigenmann).
( Photo credit to INS )