Warriors itinabla ang serye sa 2-all; Trail Blazers kinubra ang 3-1 abante


OAKLAND, California — Gumawa si Stephen Curry ng career playoff-high pitong  3-pointers para magtapos na may 33 puntos at pangunahan ang Golden State Warriors sa panalo kontra Los Angeles Clippers, 118-97, kahapon at itabla ang kanilang first-round series sa 2-all.

Ang All-Star guard na si Curry ay gumawa ng limang tres para ibigay sa Golden State ang 20-puntos na abante sa unang yugto na kanilang inalagaan sa halos kabuuan ng laro.

Tumira si Curry ng 10 for 20 mula sa floor kabilang ang 7 of 14 mula sa 3-point area at mayroon din siyang tig-pitong assists at rebounds para tulungan ang Warriors na wakasan ang two-game skid.

Na-outshot ng Golden State ang Los Angeles, 55.4 porsiyento kumpara sa 42.9 porsiyento. Nagkaroon din ang Clippers ng 19 turnovers habang ang Warriors ay mayroon lamang series-low 15 turnovers.

Ang Game 5 ay gaganapin bukas sa Los Angeles. Si Andre Iguodala ay nag-ambag ng 22 puntos at siyam na assists habang sina David Lee, Klay Thompson at Harrison Barnes ay nagdagdag ng tig-15 puntos para sa Warriors.

Si Jamal Crawford ay umiskor ng 26 puntos habang si Blake Griffin ay may 21 puntos at anim na rebounds para sa Clippers.

Trail Blazers 123,  Rockets 120 (OT)
Sa Portland, Oregon, nagtala si LaMarcus Aldridge ng 29 puntos at 10 rebounds para sa Portland Trail Blazers na nakuha ang 3-1 bentahe sa kanilang serye matapos talunin ang Houston Rockets.

Si Nicolas Batum ay nagdagdag ng 25 puntos para sa Portland na nauwi ang unang panalo sa kanilang homecourt sa serye na lilipat sa Houston para sa Game 5 sa Huwebes. Ito ang ikatlong overtime game ng serye.

Ang Blazers ay hindi pa nakakalagpas sa first round ng playoffs matapos ang postseason noong 2000. Si James Harden ay gumawa 28 puntos habang si Dwight Howard ay nag-ambag ng 25 puntos at 14 rebounds para sa Rockets.

Wizards 98, Bulls 89
Sa Washington, kumana si Trevor Ariza ng career playoff-high 30 puntos para sa Washington Wizards na nasungkit ang 3-1 abante sa kanilang Eastern Conference first-round series.

Si John Wall ay nagdagdag ng 15 puntos at 10 assists para sa Wizards. Si Taj Gibson ay umiskor ng career-high 32 puntos para pamunuan ang Chicago.

Read more...