Sa pagpasok ng 2012 (Year of the Dragon)
NATURAL lang na kapag nagpapalit ang taon ay mabentang-mabenta sa mga interbyu ang mga psychic, feng shui expert at ang mga manghuhula.
Hindi mabubuo ang pagpapaalam sa nakaraang taon at ang pagsalubong sa susunod na taon kapag wala ang kanilang mga hula at pananaw.
Matagal naming nakasama sa Juicy ang numerologist-psychic na si Maricel Gaskell.
Sa haba ng panahong ‘yun ay napansin namin na hindi siya gaanong bumabangko sa mga negatibong pangyayari, palaging paalala lang ang sa kanya, mas sumesentro siya sa pagbabasa ng kumbinasyon ng mga numero ng kanyang mga kliyente.
Nu’ng Linggo nang hapon sa Paparazzi Showbiz Exposed, dahil sa kakapusan sa oras, ay marami siyang gustong sabihin na hindi nabigyan ng pagkakataon.
Hiningi namin kay Maricel ang kanyang pananaw tungkol sa maraming personalidad na nasa bakuran ng TV5, ano-ano ba ang nababasa niya sa magiging kinabukasan ng mga artistang ito sa buong 2012 na taon ng Water Dragon, at narito ang kanyang pananaw.
“Sharon Cuneta (Jan. 6, 1966, wood snake). Very good ang career, pero dapat iwasan ang anumang partnership sa business dahil magkakaroon ito ng mga arguments at betrayals.
“Alex Gonzaga (Jan. 16, 1988, fire rabbit). Ingatan niya ang kanyang relasyon sa mga tao at alagaan niya ang kanyang katawan para makaiwas sa mga body ailments.
“Weak ang kanyang element (fire) ngayong taon dahil this is a Water Dragon year. Maraming opportunities na darating sa kanya pero, lagi itong magkakaroon ng isyu sa ibang tao.
“Willie Revillame (Jan. 27, 1961, metal ox). Hindi gaanong suwerte ang mga taong ipinanganak sa Year of The Ox this year. Dahil sa birthday niyang #9, dapat laging magsuot ng colors blue, white, gray, black at silver si Willie.
“Constructive ang cycle ng kanyang element (metal) sa Water Dragon sa taong ito. Dapat maging low key siya sa pagsasalita. Magiging maganda rin ang kanyang career sa taong ito. Halos ganito rin ang taon para kay Lorna Tolentino.
“Paolo Bediones (March 17, 1974, wood tiger). Magiging smooth ang career. The more na maging mobile siya, the more na magiging masuwerte, pero weak ang lovelife niya sa taong ito.
“Jasmin Curtis Smith (April 6, 1994, wood dog). Ang dog ay kalaban ng dragon pero ang wood ay constructive naman sa water. Dapat siya laging magsuot ng pastel shades, like pink at blue. Magsuot siya ng opals.
“Richard Gomez (April 7, 1966, fire horse). Ang fire at water ay destructive kaya magiging hardworking year ito para sa kanya. Endure and he will succeed. He should also handle everything by himself. Dapat siyang magsuot ng kulay aqua, light yellow at sea green, dapat niyang i-avoid ang kulay itim o kahit anong dark colors.
“Vic Sotto (April 28, 1954), wood horse) Constructive ang element niya this year. Maraming tutulong sa kanya. Marami pa siyang ambisyon at magkakaroon siya ng malalaking plano sa taong ito.
“Nora Aunor (May 21, 1953 water snake). Healthy para sa kanya ang taong ito at magkakaroon siya ng maraming biyahe. Maraming tutulong sa kanya pati na sa kanyang male friend. Mas makabubuti sa trabaho kung madalas siyang gumagalaw.
“Gelli de Belen (May 25, 1973, water ox). Hindi masyadong maganda ang taong ito. Pareho sila ni Richard Gomez na #7. Marami naman ang tutulong sa kanya, pero dapat siyang mag-ingat sa kontrobersiya. Magiging hot item siya sa mga reporters.
“Alice Dixson (July 28, 1969, earth rooster). Palaging magsuot ng kulay golden yellow, orange at purple.
“Aga Muhlach (Aug. 12, 1969, earth rooster). Makatutulong kung palagi siyang magsuot ng mga kulay purple, yellow, orange, rust, turquoise at sky blue.
“Amy Perez (Sept. 5, 1969, earth rooster). Masuwerte ang taong ito para sa kanya, pero destructive ang kanyang element this year, kaya ugaliing magsuot ng mga kulay na light green, gray at silver.
“Edu Manzano (Sept. 14, 1955, wood sheep). Bantayan niya ang kanyang kalusugan. Huwag maging exhausted. Dapat din siyang maging more open minded. Palaging magsuot ng mga kulay na light green, pearl gray at silver.
“Joey de Leon (Oct. 14, 1946, fire dog). Makabubuti ang pagta-travel. Masuwerte siya sa taong ito because of his birth year.
“Tintin Bersola (Oct. 30, 1970, metal dog). Advisable ang pagsusuot ng mga kulay na purple, orange, bright yellow at sky blue.
“Lucy Torres-Gomez (Dec. 11, 1974, wood tiger). May pagka-psychic siya. The more mobile she is, the more money will come. She should always wear light green, pale yellow, silver, violet and lavender,” paalala ni Ms. Maricel Gaskell.