Mark napikon na: Walang utang sa akin sina Ynna at Tita Nadia kaya manahimik na lang kayo, pwedeee!?


Nag-once and for all na si Mark Herras sa mga tsismis sa kanila ng pamilya Asistio. We really thought Mark will be quiet na about his relationship with his ex-girlfriend Ynna Asistio and her family dahil ito ang sinabi niya noon sa amin na dedma na siya sa mga bashers and haters when we last talked to him sa set ng kaniyang top rating soap na Rhodora X na part ng TeleBabad ng GMA co-starring Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi and Mark Anthony Fernandez. Hindi pa pala. Something must have triggered him again to post something.

Last Sunday, Mark posted sa Twitter and we’re printing it in full: “FYI sa mga bashers at haters na walang magawa sa mga buhay nila kungdi ang magpapansin at umepal sa buhay ng mga tao.

Kahit kelan hindi nangutang ng pera sa akin ang pamilya ni Ynna at kahit kelan hindi nanghiram ng pera sa akin si Tita Nads kaya pwede ba tigilan nyo nga ang utang issue na yan at tigilan nyo na ang pamilya ni Ynna.

Tahimik na po ang mga buhay namin kaya pwede manahimik na lng kayo!!! Salamat!!!” Of course Mark used the apps Twitlonger para humaba ng ganito ang post niya so we began backtracking the comments about him that triggered this but then like all bashers and haters, bigla naman nila itong binubura.

Didn’t they know na the same way they have to power to comment against the stars, the stars also have the power to comment about their comments now or ito ba talaga ang gusto nila, ang mapansin?

( Photo credit to markherrasfanpage )

Read more...