Pagpasok ni Alex sa PBB House inireklamo


Iisa ang tanong ng lahat, bakit kasama si Alex Gonzaga na ipinasok sa loob ng Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother All In? Bakit hindi na lang ibinigay sa iba ang slot niya? Ano ang gagawin ng bunsong kapatid ni Toni?

Ito ang ilan lang sa katanungang ibinato sa amin ng netizens bukod pa sa sinasabing scripted ang PBBAI ngayon.
Dismayado rin ang iba dahil iilan lang ang ordinaryong tao ang napasama dahi karamihan ay kamag-anak ng celebrity, at artista na ng ang ilan tulad nina Alex na inakala ng lahat na magiging co-host ng show, at Jane Oneiza ng Star Magic.

Samantala, nabuking namin na dalawa hanggang tatlong linggo lang pala si Alex sa Bahay ni Kuya dahil hindi siya pinayagan ng ABS-CBN management na magtagal dahil kasalukuyan siyang nagte-taping ng Pinoy version ng Koreanovelang Pure Love.

Baka naman gusto ni Kuya na may nanggugulo sa loob ng Bahay niya kaya niya ipinasok si Alex?

( bandera.ph file photo )

Read more...