Sulat mula kay Rhanee, ng barangay Bagting, Dapitan City
Problema:
1. Tumagal nang mahabang panahon ang aming relasyon ng boyfriend ko, pero biglang-bigla kaming nagkahiwalay. Sa kanya ko nalasap ang sarap at ligaya sa buhay. Masarap siyang magmahal. Biglang-bigla ay nag-away kami sa walang kakwenta-kwentang bagay. Hindi mahalaga sa buhay namin ang bagay na iyon, pero ito ang pinag-awayan namin. At masidhi ang pag-aaway namin. Hindi na kami nagkasundo.
2. Hindi na siya sumasagot sa tawag ko at text ko. Ako na nga ang nagsosori sa kanya pero dedma pa rin siya. May ipinagmamalaki na ba siya? Payuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin. Magkakabalikan ba kami? Siya na kasi ang lalaking gusto kong mapangasawa at makasama habambuhay.
September 29, 1994 ang birthday ko at May 21, 1991 niya.
Umaasa,
Sharon ng Barangay Cagniog, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible naman kayo ng boyfriend mo, dahil isa ang elementong taglay ninyo – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin sa malapit na hinahanap, malaki ang tsansa na muli kayong magkakabalikan.
Numerology:
Habang ang birth date mo ay tugmang-tugma din sa birth date niya. Ibig sabihin, sa pag-aanalisang Astrology at Numerology, walang problema – tugma talaga kayo kaya sa malapit na hinaharap, tulad ng nasabi na, magte-text back din sa iyo ang boyfriend mo upang pag-usapan ninyo ng personal ang muli nyong pagbabalikan.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling magkahiwalay pa at magkaroon ng di pagkakaunawaan, lagi kayong gumamit ng kulay na berde, puti at pula. Ang nasabing kulay, ang magseselyo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Rhanee, ayon sa iyong kapalaran kung ikaw ay isang babaing cute, medyo maliit na maputi habang ang boyfriend mo naman ay isang lalaking matangkad, na medyo payat o slim ang pangangatawan, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito, muli kayong magkakabalikan, upang pagkatapos, sa susunod na taon ay may magaganap na simpleng kasalan, na hahantong sa maligaya at panghabam buhay ng pagmamahalan.
Lalambot ang matigas (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...