Kris harap-harapang ipinahiya si Spiderman, nagyabang sa kita ng My Little Bossing


MAY yabang factor ang statement ni Kris Aquino sa Hollywood star na si Andrew Garfield na bida sa latest “Spider-Man” movie.
Nagyabang kasi si Kris kay Andrew when she told him na natalo ng movie ni Bimby ang first “Spider-Man” film sa bansa kung pagbabasehan ang kita.

Ibinida ni Kris kay Andrew na ang movie nilang “My Little Bossings” ay record-breaker dahil ito ang may hawak na record for the highest first-day gross sa bansa.

“Actually he (Bimby) was supposed to say ‘that the first-day gross of his movie in the Philippines actually beats ‘Spider-Man’. Our movie holds the record for the highest first-day gross.

It’s called ‘My Little Bossings.’ In English, ‘My Little Bosses.’ It’s a comedy, it was shown on Christmas Day’,” sabi ni Kris sa kanyang interview with Andrew na ipinalabas sa kanyang early morning show.

“Well, congratulations,” nasabi na lang ni Andrew. Talaga itong si Kris, kahit na kanino ay gustong magpa-impress. Kailangan ba talagang i-brag niya ang movie nila ni Bimby sa isang Hollywood star?

Negative naman ang reaction ng mga tao kay Kris. Sabi ng isang nag-comment, “Talk about narcissism.” “If ticket sales ang basehan, ‘Girl Boy, Bakla, Tomboy’ ang highest in first-day gross.

Dahil ang 100M sa 1st-day gross ng ‘My Little Bossings’ ay galing sa isang endorsement ni Kris na isa sa mga sponsors ng movie,” say naman ng isang tila nayabangan sa TV host-actress.

Another one naman said na, “Baka isipin ng ibang lahi ang yabang-yabang natin, imagine, parang harap-harapan na rin niyang ipinahiya si Spiderman? Talk about tourism?”

( Photo crdit to EAS )

Read more...