Mavs nasilat ang Spurs

DALLAS — Tumira si Vince Carter ng double-pump 3-pointer bago tumunog ang buzzer para ibigay sa Dallas Mavericks ang 109-108 pagwawagi sa Game 3 at ang NBA Playoffs first-round series lead laban sa top-seeded San Antonio Spurs kahapon.

Tinanggap ni Carter ang inbound pass sa left corner mula kay Jose Calderon may 1.7 segundo ang natitira sa laro. Matapos ang isang mabilis na pump fake sa harap ni Manu Ginobili, bumitaw si Carter ng triple bago tumunog ang buzzer. Ang winning shot ni Carter ay na-counted naman matapos na suriin ng mga referees.

Ibinigay ni Ginobili ang 108-106 kalamangan sa Spurs matapos ang isang layup bago tumawag ang Dallas ng timeout upang ilatag ang play para kay Carter.

Tinulungan naman ni Monta Ellis ang eight-seeded Mavericks na makadikit sa ikaapat na yugto at nagtapos siya na may 29 puntos.

Si Tim Duncan ang nanguna para sa Spurs sa kinamadang 22 puntos.

Ang Game 4 ay gagawin bukas sa Dallas.

Pacers 91, Hawks 88
Sa Atlanta, nakapagbuslo sina Paul George at David West ng mga krusyal na 3-pointers sa huling bahagi ng laro para tulungan ang top-seeded Indiana Pacers na itabla ang opening-round series nila kontra Atlanta Hawks sa 2-all.

Si George ay nagtala ng 24 puntos at 10 rebounds para pamunuan ang Pacers.

Read more...