May foul play sa pagkamatay ni Tyron Perez?

IT’S the first working day this year – Jan. 2, 2012 – kaya dapat ay magpakitang-gilas tayo sa ating mga trabaho para tuloy-tuloy ang ligaya the whole year.

Mahirap maghanap ng work ngayon – mataas pa naman ang unemployment rate. Tsaka look back at yesterday – kung naging tamad nu’ng nakaraang taon, bumawi this year.

Kung naging magastos at mabisyo last year, magbawas ng konti para may maitabi for the rainy days.

Mahirap man ang buhay pero kung masigasig at masipag naman tayo, nababawasan ang sakit at sama ng loob, di ba?

We have to truly work hard and renew good relationship with everyone around. Mas masarap ang magaan ang feeling, di ba? Less kaaway – less stress.

Ha-hahaha! May I speak for myself? Totoo iyon – since sabi nga natin palagi, life is very temporary, we might as well live our lives to the fullest na walang tinatapakang tao o walang naaapi along the way.

Kasi nga, ayon sa author na si Maya Angelo, tomorrow is never promised. I believe so too.

Ako? I will try to be a better person – be more patient with everyone. Try ko ha. Kasi nga, hindi naman ganoon kadaling baguhin ang personality natin nang ganoon-ganoon na lang.

Pero alam n’yo namang innate na sa akin ang pagiging palaban pag nasa tama. I will still be the same pero sabi ko nga, I will try to be more sensitive and more patient. That’s logical lang naman, tama?

Anyway, back to “Mismo”, our radio program sa DZMM with Papa Ahwel Paz ako today kaya asahan niyo that we will give you more entertaining news and updates sa programa namin

Magiging more objective with some issues – wish us luck. Sometimes, easier said than done pero we’ll try.

Hey, bago sumapit ang Bagong Taon (bandang 10 p.m. nu’ng Dec. 31, 2011), may nagpadala sa akin ng alleged sex video ni late Ramgen Revilla and Janelle Manahan sa aking Facebook.

Naloka ako sa more than a minute video na iyon – obviously, silang dalawa talaga in their very intimate act. Nasa shower muna sila at halata ring aware silang nakukunan sila. In fact, si late Ramgen pa nga ang may hawak ng celfone.

Marami ang nagtatanong kung sino raw ang nag-upload ng video na ito na naging viral amongst FB users?

Kawawa naman ang dalawa – biktima ng mga walanghiyang nilalang. It’s truly a desecration of the dead and kawawa lalo si Janelle dahil she’s faced with this kind of humiliation.

“Para silang wala sa kanilang mga sarili habang kinukunan ni Ramgen ang pinaggagawa nila sa video?  Tawa sila nang tawa at enjoy na enjoy sa act nila. Obviously, for private consumption ang kuhang iyon pero biglang kumalat.

Baka naka-save iyon sa celfone ni Ramgen at nang maimbestigahan ay may nakakita at in-upload?

“For sure, hindi naman si Janelle ang nagpakalat noon dahil unang-una, kahihiyan niya iyon. Pangalawa, patay na si Ramgen kaya respeto na lang niya sa dating nobyo, di ba? Kung sino man ang may pakana nito, sobra tiyak ang galit sa dalawa.  Iyon ang dapat nilang imbestigahan,” anang isang kaibigan naming nakakita rin ng sex video na iyon.

Kaya lesson learned, never ever video yourselves in any way sa ganoong very uncompromising situations.

Kasi nga, since tomorrow is never promised as I’ve said earlier, hindi natin alam na kahit patay na pala tayo, pinagpipistahan pa rin tayo ng may maiitim na budhi.

Ngayon ay tinanggal na sa Facebook ang kuhang iyon. Lumabag kasi ito sa panuntunan ng FB, ang magpalabas ng kalaswaan on the said networking site. Kahit sa ibang sites, tinanggal na rin daw kaya sana ay hindi na kumalat pa. Kaloka.
Opening pa lang ng taon, meron na agad malaking isyu. Ang kawawa rito ay si Ramgen Revilla who’s not here anymore to defend himself. Ganu’n din si Janelle Manahan who survived death and is now under the Witness Protection Program ng DOJ dahil merong banta sa kanyang buhay habang iniimbestigahan ang pagkamatay ni Ramgen. She is the prime witness kasi to the case kaya ganoon.

Start of the year pa lang ito and for sure, marami pang magaganap na iskandalo this year. Sana lang hindi morbid ones. Tulad nu’ng naganap na pagpanaw ng isang mahal nating kaibigang si Tyron Perez before the year ended.

“Kung nagpakamatay si Tyron, yung sinasabi nilang nag-suicide daw ito, bakit kailangan pa niyang lumipat sa backseat ng kanyang car? Doon kasi nakita ang bangkay ni Tyron sa backseat na may katabing .22 revolver.

Kung siya ang nagda-drive ng car, hindi na niya iisiping lumipat pa sa likod para lang magpakamatay. Doon na lang sana sa driver’s seat siya nagbaril.

May feeling akong may foul play. Kasi nga, sinasabi nilang nabaon daw ito sa utang at nagbisyo lately. At may matinding away nga raw sila ng asawa niya.

“Nabasa ko sa isang Yahoo item ang sinabi ng wife niyang si Liv Espino na nanawagan siya sa otoridad dahil ninakaw daw ang black Altis niyang kotse.

Paanong ninakaw iyon gayong alam naman niyang iyon ang gamit-gamit ng asawa niyang si Tyron ever since?

Hindi ba’t sa black Altis car nakita ang patay na si Tyron?

Ayokong magduda sa asawa niya pero nakita ko ang interview niya sa TV, parang hindi siya masyadong malungkot. Parang wala lang sa kanya ang nangyari,” anang isang nakausap namin.

Ayokong mag-comment. Gusto ko lang panoorin kung paano nila mareresolba ang kasong ito. Wait na lang tayo and see, OK? Basta kami, we are praying that our dear friend Tyron’s soul rest in eternal peace. Mahal namin ang batang ito.
That’s all for now friends. Hear from us again tomorrow. Basta palagi lang kayong bumili ng BANDERA at dito lang ninyo matutunghayan ang lahat ng katotohanan. Happy New Year again. Mwah!

Read more...