Kris inayawan ang ‘Maria Leonora Teresa’, ibinigay kina Jodi at Juday


SINA Judy Ann Santos at Jodi Sta. Maria na ang bida sa horror movie na “Maria Leonora Teresa” na ididirek ni Wenn Deramas.
Naunang ialok ito kay Kris Aquino ayon mismo kay direk Wenn, pero hindi tinanggap dahil may iba raw yata siyang gusto.

Hindi pa alam ni direk Wenn kung tinanggap na ni Jodi ang project dahil kasalukuyang nasa Amerika pa ang aktres.
Tinanong din namin si direk Wenn kung anu-ano ang pelikula niyang gagawin ngayong taon dahil hindi na tuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Ai Ai delas Alas na pang-Metro Manila Film Festival 2014.

Sabi lang sa amin ni direk Wenn, “hindi ko na alam, basta alam ko, ‘Moron 5’ part TWO solo produced ng Viva Films, ‘Maria Leonora Teresa’, solo naman ng Star Cinema, Vice Ganda at Daniel Padilla, co-prod ng Star Cinema at Viva Films at  ‘yung Ai Ai solo movie under Star Cinema na sa October ang playdate.”

Going back to Juday, matagal na raw hinintay ng aktres ang ganitong project bukod pa sa matagal na rin siyang hindi gumagawa ng pelikula sa Star Cinema dahil ang huli ay ang “Sakal, Sakali, Saklolo” pa mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Pero sabi naman sa amin ng taga-Star Cinema, “Hindi naman pang MMFF ang ‘Maria Leonora Teresa’ kaya tuloy pa rin ang Vice at Daniel.”

Read more...