Luis hinding-hindi magtataksil kay Angel, marespeto sa babae


Speaking of which, grabe yung eksenang nabuking na finally ni Angel Locsin sina Maja Salvador at Jericho Rosales sa kanilang pagtataksil.

Trending kung trending talaga ang mga eksena and we could not argue sa mga nagsasabing pam-best actress ang atake ni Angel sa role niya as Monica.

In fact, biglang dumami ang “bashers” ni Angel lalo pa’t may sinagot itong komento sa Instagram matapos siyang akusahan ng pagtataksil sa isang ex-boyfriend niya in real life.

Nakakaloka ha, dahil ginagawa ng totoo ng mga nakakapanood ang isyu at ikinakabit pa sa kung kani-kanino. Obvious ding may kunek ito sa mga previous relationships ni Angel na kitang-kita naman ang kasiyahan sa piling ng ampon naming si Luis Manzano.

Napag-uusapan man ang mga ganu’ng intriga at nagkataon na may on-going soap si Angel, ang importante ay nakikita ang galing ni Angel as an actress at mataas ang rating ng The Legal Wife kaya talo ang pikon, di ba kapatid, na Ervin. Ha-hahaha! (Tomohhhh!!! – Ed)

Kahit itanong pa natin sa mga prosecutors na umamin sa amin kung paanong naapektuhan din sila sa husay ng mga artista ng soap. Ha-hahaha!

Anyway, naniniwala rin kami sa mga komento ng fans nina Angel at Luis na hinding-hindi magagawa ng ating ampon ang ginagawa ng karakter ni Jericho Rosales kay Angel sa The Legal Wife.

Wala kasi kaming natatandaang nanloko ng kanyang nagiging karelasyon si Luis. Kahit ang mga nagiging girlfriend niya ay nagsasabing walang nagiging third party sa kanilang paghihiwalay.

( Photo credit to luismanzanofanpage )

Read more...