Kz Tandingan chaka manamit


SOBRANG napapahanga ang lahat sa mga personalidad na magagaling umarte, kumanta, mahusay sumagot o may laman at mahusay manamit.

Pero kapag ang isa sa mga nabanggit namin ay kulang ay iisa ang sinasabi ng lahat, “Turn-off, sayang o made-develop pa.” At kaya namin ito nasabi ay dahil isa ang X-Factor Philippines champion na si KZ Tandingan sa kinulang pagdating sa pananamit.

Yes bossing Ervin, medyo hindi tama ang panlasa ni KZ pagdating sa mga isinusuot niyang damit sa dinadaluhan niyang events.
At dahil gusto naming maging aware si KZ dito ay talagang tinanong namin siya kung sino ang stylist niya at kung kuntento siya sa mga ipinapasuot sa kanya.

Binanggit ni KZ ang pangalan ng stylist niya na si Myrrh Lao To at sinabing nag-umpisa siyang bihisan noong isang taon pa.
At sa tanong namin kung kuntento siya sa mga damit na isinusuot niya, “Masaya naman po ako na tina-try namin ‘yung ibang style kasi hindi naman po ako ‘yung normal lang na super-girly dress.

Experimenting naman po kaya nga may inilalabas kaming style na ganito sa TV at hindi maganda ang reaksyon ng mga tao, so hindi pala ito puwede, hindi nagwo-work so hahanap na naman kami ng iba.

Parang we’re still in the process of finding the right (clothes) for me po.” Natuwa kami kay KZ kasi alam pala niyang hindi siya good-dresser at inamin niyang hindi talaga siya madaling bihisan.

Napansin kasi namin na sobrang flowery ang suot niyang above the knee skirt with blazer na maluwag sa kanya at naka-bling-bling ng makikintab na bato sa katanghaliang tapat with white stiletto.

Sabi nga namin ay dapat sa gabi niya isinusuot ang bling-bling niyang malalaking batong makikintab at hindi sa tanghaling sobrang taas ng init ng araw. “Ha-hahaha! Ganu’n po talaga ‘yan?” napangiting sabi ng dalagang singer.

In fairness bossing Ervin, very thankful si KZ at napayakap pa siya sa amin dahil malaking tulong daw na sinasabi namin ito at hindi namin siya nakitaan ng pagkapikon o nag make-face katulad ng ibang personalidad kapag napapansin.

Tinanong din si KZ kung may say siya sa mga isinusuot niyang damit, “Opo, sinasabi ko rin po sa kanya (stylist) na hindi ako mahilig sa mga girly dress, hindi ako masyadong mahilig sa palda at mas more on relax ako sa shorts-jeans.”

Nabanggit pa nga namin na mas okay pa siya noong nasa X-Factor siya dahil maayos ang mga damit niya, “Ah, ‘yung stylist namin po doon, stylist naman ng lahat,” katwiran nito.

At inamin din ni KZ na most of the time raw ay masaya siya sa ipinapasuot sa kanya, “Opo, kasi may times na tina-try talaga namin ‘yung mga (damit) na hindi ako sanay, na feeling ko hindi bagay sa akin o nagwo-work at may times naman na bagay sa akin.

Pag nakita ko na sa TV na, akala ko hindi bagay, ‘yun pala bagay pala.” Sabay pagtatanggol ni KZ sa stylist niya, “May pangalan naman po ‘yung stylist ko at hindi naman niya sisirain ang pangalan niya at isa po siya sa (in demand) sa ASAP.

Ang mga binibihisan po niya ay sina Shaina Magdayao, Julia Montes, marami pa po.” At aminado ulit si KZ na siya raw ang mahirap bihisan sa mga nabanggit, “Si Shaina po kasi, medyo classy kaya madaling bihisan, kay Julia naman, young classy, di ba.

Pagdating po talaga sa akin, ‘yung nasa edgy ako, hindi ako sexy, kaya hinahanap pa rin namin ang babagay sa akin.”
Aminado rin si KZ na apektado minsan ang performance niya kapag hindi siya kumportable sa suot niya lalo na kapag naka-stilleto siya.

Samantala, pinaplano na rin ni KZ ang pangalawa niyang album dahil halos lahat dawn g kanta sa una niyang album ay madalas ng naririnig sa radyo tulad ng “Un-Love You”, “Puro Laro” at tinanghal siyang Favorite New Artist Award sa MYX Music Awards 2014.

Magkakaroon ng back-to-back concert sina KZ at Markki Stroem na may titulong “Jazzified” sa Music Museum sa Mayo 16, mula sa direksyon ng Cornerstone Concerts at sponsored naman ng Astroplus, Third District Coffee Shop Katipunan, MYX, Business World, PEP, Manila Concert Scene at Soundcheck Manila.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Read more...