Mga bisita sa sosyal na hotel natensiyon nang makitang magkasama sina Gringo at Tito Sen


NATENSIYON ang mga ka-meeting namin sa pagdating ng mga senador na sina Gringo Honasan at Tito Sotto sa Manila Peninsula last Wednesday.

That was just a day after ng balitang gusto ng maging state witness ng pork barrel scam queen na si Janet Napoles na nagbigay na ng listahan ng mga pangalan ng mga politikong binigyan niya ng datung.

Nu’ng unang dumating si Sen. Tito ay medyo kalmado pa ang mga ka-meeting. Pero nu’ng pumasok na sa lobby ng hotel si Sen. Gringo doon na sila nagsimulang kabahan.

May threat pa ang ka-meeting namin na kapag si Sen. Antonio Trillanes na ang dumating, e, kara-karaka na raw silang aalis sa lugar.

Syokot syempre ang mga ka-meeting namin na baka may bigla na  lang pumasok na tangke ulit sa Manila Pen at ‘di na sila makalabas gaya ng nangyati noong siege sa naturang hotel.

Mabuti na lang talaga at natapos ang meeting namin na walang Sen. Trillanes na dumating. Ha-hahaha! Instead of Sen. Trillanes, guess ninyo sino ang celebrities na nakita naming dumating sa Manila Pen?

Walang iba kundi ang businessman na si Raul Concepcion, ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at ang TV5 owner na si Manny Pangilinan surrounded by his bodyguards na ‘di bababa sa tatlo.

Until now pala, e, favorite meeting place pa rin ng mga kilalang personalities ang Manila Pen, huh. E, hindi nga ba’t  dito nakitang nag-meeting noon si MVP at Kris Aquino pagkatapos ay pumutok ang balitang may negosasyon na paglipat ng Queen of All Media sa TV5?

Later on, we found out na ang deal pala ni Kris according to our source, e, lilipat siya sa Kapatid network pero ang kontrata ng Queen of All Media will be with Metro Pacific Corporation which is the company of MVP at hindi sa TV5.

Very wise move ‘to kasi nga what if hindi naging successful si Kris sa TV5 kung lumipat siya rito, e, ‘di ang dali nang tapusin ng kontrata niya sa network at going separate ways na agad sila ni MVP.

Unlike kung sa Metro Pacific Corporation nga naman pipirma si Kris, may posisyon pa rin siya sa kompanya ni MVP. Wala mang career sa TV si Kris, bosing pa rin siya sa napakalaking kompanya ni MVP, ‘di ba? But that’s all water under the bridge na, ika nga nila.

Actually, hindi lang si MVP ang nakita namin sa Manila Pen that time kundi pati ang presidente ng TV5 na si Noel Lorenzana. For whatever it is, malalaman natin sa susunod na mga araw kung ano ang pinagmitingan nila that day.

Hindi kaya magkaroon na rin ng show sa Singko sina Senators Tito at Gringo?

( Photo credit to INS )

Read more...