Echo sawang-sawa sa halikan at love scene sa The Legal Wife

MAJA SALVADOR AT JERICHO ROSALES

Isa pa sa mga pinag-uusapan gabi-gabi sa The Legal Wife ay ang mga maiinit na eksena nina Jericho Rosales at Maja Salvador.
Kahapon nga sa pocket presscon ng isa sa mga pambatong Primetime Bida series ng ABS-CBN, inamin ng aktor na dito na yata sa The Legal Wife siya gumawa ng napakaraming love scene, lalo na ang mga lampungan nila ni Maja na parang totoong-totoo. Parang gabi-gabi raw yata ay may maiinit siyang eksena kina Maja at Angel.

Dito nilinaw ni Echo na wala itong issue sa kanyang fiancée na si Kim Jones. Sey pa ng aktor, “She‘s the most supportive girlfriend,” kaya naman mas lalo niya itong minamahal. Malapit nang ikasal ang magdyowa.

Read more...