Laging manhid ang kamay

MAGANDANG araw, Doc Heal. Tanong ko lang po kasi po pag nagtatalik kaming mag-asawa ay hindi pa man kami nagsisimula magloving-loving parang nilalabasan na po ako, at basang-basa na po yung akin.

Ano po ba ito? Normal ba ito? Hindi po ba mawawala ito, nahihiya po ako sa mister ko. – Ness, GenSan
Naku Ness, hindi dapat mawala yan. Normal lang yan at mas matutuwa ang partner mo kapag ganyan ka, kasi kasama yan sa maganda at healthy na pagsasama ng mag-asawa.

Good day po doctor heal, 55 years old na po ako. Meron akong apat na anak na puro nasa wastong gulang na. Twice a month lang kami ng misis kong magkita, kaya everytime na hindi kami magkasama, nagma-mastrubate na lang po ako. Kadalasan twice a week.

Normal pa po ba ito sa edad ko? Maraming salamat doc. — Lloyd, Makati City

Hindi na masyadong inaasahan na gagawin pa yan ng isang gaya mo na nasa ganyang edad. Gayunman, hindi rin ito masama sa pisikal na kalusugan.

Pero meron naman itong negativong epekto sa iyong mental health at maging sa iyong spirituality, gaya na lang nitong pagsangguni mo sa akin kung tama ba ang ginagawa mo.

Lagi pong sumasakit ang mga kamay ko. Nagpagamot ako nun at nag patest kung mataas sugar ko, ok naman normal sa 95.
Niresetahan ako ng Vitamin B complex up 2 now umiinom ako mag 2 years na. Pero bakit kya ganun prin lagi parin parang manhid mga kmay ko? Ano kya doc dapat kong gawin or inumin vit? — Gloria, 53, Makati City

Baka lang kailangang maeksamin ng maigi, ang daloy ng dugo, nerve conduction, nutrition, arthritis at iba pa. Marami rin kasing sakit na pamamanhid ang unang sintomas.

Ano po ang gamot sa parang mga warts n tumutubo sa ari ko,mabilis hong dumarami,ayaw pong matanggal ng mga ointment. May mga antibiotic o antibacterial bang pwedeng inumin para matanggal ito doc? – Ray, Panabo City
venereal warts ang tawag dito, impeksyon ito na nakukuha sa pakikipagtalik sa mayroon ding sakit na gaya mo. virus ang dahilan dito. sinusunog ito (electrical cauterization, laser fulguration, chemical cautery) para lubusan ng mawala ito. subali’t napakamahalaga ang umiwas sa impeksyon kapag ikaw ay naging malinis na.

Read more...