Top 10 kinaasarang personalidad ng 2011

NAGSAGAWA ng sa-riling survey ang Inquirer Bandera sa mga mambabasa nito, mga follower sa networking site na Twitter at Facebook sa kung sino para sa kanila ang mga personalidad, ahensiya o grupo na labis na kinainisan at kinaasaran nitong 2011.
May 60 na-survey ang Inquirer Bandera, at saka ito itinally. Na-rito ang resulta ng survey:

1. Pamilya Ampatuan
Ayon sa ilang mga tumugon sa survey, hindi na kailangan pang i-explain kung bakit sila kinamumuhian. Isipin na lamang ninyo ang Maguindanao massacre.

2. Mga Arroyo, partikular na si ex-Presidenti Gloria Arroyo at mister na si dating Frist Gentleman Jose Miguel   
Dahil sa umano’y mga katiwalian noong namamayani pa sila sa Palasyo.

3. DJ Mo
“Ang lalaking parang i-nahing manok  na putak nang putak”, ang deskripsyon na ibinigay ng isang follower sa Twitter.  Ito ay kaugnay sa mga pangyayaring naganap sa kanila ng dating nobya at aktres na si Rhian Ramos.

4. Leila De Lima
“Although I admire her courage and her moves against the Arroyo,  halata ang moves niya is for politics,” ayon naman kay Fort na nagtatrabaho sa House of Representatives.

5. Metro Manila Deve-lopment Authority
Maraming motorista, partikular na ang mga nakamotorsiklo ang yamot sa MMDA dahil sa paglalagay nito ng motorcycle lane na hindi naman nakatulong para mapagaang ang daloy ng trapiko.

6. Piolo Pascual
Dahil sa patuloy na pagtatago ng katotohanan habang ‘open secret’ na naman ang isyu tungkol sa kanyang preferred kasarian.

7.Willie Revillame
Kahit marami pang nagmamahal sa kanya, marami ring asar sa kanya dahil sa pagiging plastik niya, ayon sa isang reader.

8. Ret. Maj. General Jovito Palparan
Dahil sa kanyang pagiging ‘berdugo’ at ngayon dahil sa pagiging ‘fugitive’.

9. Kris Aquino
Sa umano’y pakikia-lam sa maraming bagay.

10. Atty. Raul  Lambino
Sa patuloy na pagsisinungaling diumano para sa kanyang mga boss na sina dating Pangulong Arroyo at mister nitong si Jose Miguel Arroyo.

Read more...