Mabubuntis na

Sulat mula kay F.O.,  ng Basilisa, Dinagat Islands
Dear Sir Greenfield,
Wala pa rin kaming anak sa kabila ng walong taon pagsasama.  Kami’y mahirap lamang kaya una kaming sumangguni sa albolaryo.  Sinunod namin ang mga utos niya pero hindi pa rin ako nabuntis.  Sumangguni kami sa government doctor at nagreseta siya ng mga gamot.  Ang kahalati ay nabili naman pero ang mahal na mga gamot ay hindi.  Wala pa ring nangyari.  Nawawalan na kami ng pag-asa kaya balak naming mag-ampon na lang kami.  Ano ba ang maipapayo ninyo? Magkaka-baby ba kami?  Kung mag-aampon kami mula sa aming kamag-anak, ano ba ang birthday na masuwerte?  Ayaw naming tumanda nang walang anak.
Umaasa,
F.O., ng Basilisa, Dinagat Islands
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“’Wag muna kayong mag-ampon,” ito ang nais sabihin ng dalawang malinaw na Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t manalig lang kayo sa Maykapal, sobrang laki ng pag-asa na sa malapit na hinaharap, maaari kang mabuntis at tuluyang magka-anak.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Diamonds at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawa ang magiging kabuuang bilang ng inyong magiging supling habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan, isang babae at isang lalaking sanggol ang inilalarawan ng Jack of Diamonds at Six of Hearts.
Itutuloy….

Read more...