Kristoffer Martin idol sa kabaklaan si Sef Cadayona


Si Sef Cadayona ang “gay idol” ni Kristoffer Martin. Hindi maitatanggi na isa ang GMA Artist Center talent na si Kristoffer sa pinakamagaling na artista ng kaniyang henerasyon; magagawa at mabibigyan ng hustisya ang kahit anong role na ibigay sa kaniya mapabida man o kontrabida.

So this Saturday, ang Honorable Mention para sa Best Supporting Actor category sa 16th Long Island International Film Expo ay magpapakita ng kaniyang husay sa isang sensitibong episode ng Magpakailanman.

First time gaganap si Kristoffer ng isang character na lalaking pilit nilabanan ang kaniyang pagkabakla. Naging kriminal, naging heartthrob, at kung anu-ano pa in between.

Abangan ang talaga namang kakaibang pagganap ni Kristofer sa episode na ito na pinamagatang “Siga Noon, Beki na Ngayon” sa direksyon ni Neal del Rosario. He is joined by Mark Herras, Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Jan Manual, Maricris Garcia at Bryan Benedict.

Tanong namin kay Kristoffer kung sino ang naging basis niya ng first kabaklaan niya at walang gatol itong sumagot na si Sef daw kaya natawa kami at tinanong namin kung sinasabi ba niyang bakla si Sef.

Hindi raw say ni Kristoffer pero basta kabaklaan role, best daw si Sef so siya ang hiningan niya ng advise. Ang cute ng mga pictures ni Kristoffer from being a siga to a girl in fairness, ha.

More details about the story this Saturday in time for the Magpakailanman episode.

( Photo credit to EAS )

Read more...