Australian GF ni Jake palaban sa laplapan, walang hiya-hiya


Walang takot na magpakita ng affection sina Jake Cuenca at ang kanyang Filipina-Australian girlfriend na si Chanel Olive Thomas. Post nang post ng romantic photos ang magdyowa and they were captured in all forms of sweetness.

Palaging magkayakap ang dalawa sa mga litrato nila. There was one picture pa nga which showed them while locking lips together. Without a doubt, napaka-liberated ng bagong girlfriend ni Jake.

Wala itong hiya-hiya, walang kiyeme-kiyeme, wala itong takot magpakita ng affection in public. At two-piece kung two-piece ang drama nito dahil merong mga kuha na nasa beach sila.

Mukhang okay naman kay Jake ang romantic photos nila na nakabalandra sa social media. What happened to Jake? Bakit bigla siyang naging liberated na rin? Kulang na lang kasi pati ang ginagawa nila in private ay ilagay na rin nila sa social media.

Baka mabiktima rin sila ng mga sex video scandal, ha! Nahawa na ba si Jake sa kanyang model-girlfriend? Anyway, maraming free time yata itong si Jake na magliwaliw.

Bakit, wala ba siyang ibang projects bukod sa soap nila ni Coco Martin at Kim Chiu?

( Photo credit to EAS )

Read more...