Herbert natauhan, mas pinili pa rin ang pamilya


Wala talagang tigil ang mga intriga at kontrobersiya sa buhay ni Kris Aquino. Aba after Holy Week nga ay biglang naging kakaiba naman ang fashion statement nito dahil sa kanyang bagong hairdo na feel yatang ipa-trending worldwide?

Ang tsika pa, diumano’y may quotation pa ito mula sa pamosong si Channel tungkol sa kaugnayan ng buhok ng babae sa tunay nitong emosyonal na kundisyon.

Nakakatawa talaga ang pamosong TV host na simula nang umamin tungkol sa kanila ni Mayor Herbert Bautista ay tinadtad na ng mga intriga at samut-saring pagbatikos and yet, iisa lang ang lagi niyang panangga sa lahat, wa siya care dahil mas type niya ang love-love-love kesa pansinin ang mga nega.

Ni hindi nga raw nito gustong malaman kung ano ang sitwasyon ng mga anak ni Mayor Herbert kay Tates Gana na balitang umalis na ng bansa kasama ang mga anak kay Mayor Bistek noong Good Friday at malamang na sa June na raw babalik.

Meaning din, hindi yata makakapiling ni Mayor ang mga anak niya kay Tates sa kanyang darating na kaarawan ngayong May? O, baka naman may plano nang sunduin ni Mayor ang kanyang mag-iina Hala!!!

( Photo credit to herbertbautistafanpage )

Read more...