KC kay Paulo: Basta mahal ko siya, yun lang!


Ano nga ba ang real score between KC Concepcion at Paulo Avelino? Kasi noong Holy Week ay may mga bali-balita na tuluyan na raw na niligwak ni KC ang hunk actor na nanliligaw sa kanya at patunay pa nga raw nito ay ang biglaang pag-un-follow ni Paulo kay KC sa mga social media accounts niya.

Pero may bagong tsismis naman na hindi naman daw yun totoo dahil magkasama pa raw yata ang dalawa sa abroad at masaya nilang in-enjoy ang kanilang bakasyon together? Ay sa totoo lang naguguluhan na kami. Ha-hahahaha!

But a report from an ABS-CBN website (from Darla Sauler), nagsalita na raw si KC about her true feelings kay Paulo, ang sabi raw ng TV host-actress, “No comment except… Basta, mahal ko siya. Yun lang. :)”

Ito raw ang naging sagot ni KC nang tanungin kung totoong binasted na niya si Paulo, pero mukhang bitin pa rin ang tugon niya. Napakadali naman kasing sabihin kung sila na o hindi pa, di ba? O, baka naman may pinoprotektahan ang dalawa kaya hindi pa rin nila masabi kung no ng totoo.

( Photo credit to pauloavelinofanpage )

Read more...