Relasyong Kris-Bistek over na agad; asan na ang ‘chance at forever’?

“WE are not a couple but we are best of friends.”

Ito ang pinakahuling post ng kontrobersiyal na presidential sister na si Kris Aquino sa kanyang  Instagram account kung saan nilinaw niya ang mga espekulasyon hinggil sa relasyon kay  Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Aquino si Bautista matapos siyang dalhan ng mga  energy drinks sa mismong araw matapos siyang isugod sa ospital dahil sa  dehydration.

May mensahe pa siyang ipinahatid kay Bautista sa pamamagitan ng pagbanggit sa isang linya ng kanyang paboritong kanta.

“May I quote my favorite song? ‘Thanks to you for teaching me how to live, putting things in perspective. Teaching me how to give, and how to take, no mistake…’ I grew up a lot this 2014 & he had a big role in what I am today. #noregrets #stillbelieveinlove #someday GOOD NIGHT.”

Matatandaan na nitong unang bahagi ng Abril, ibinunyag ni Aquino na nagdi-date na sila ni Bautista, kung saan tinawag pa niya ang kanilang relasyon bilang  “a work in progress.”

Ngunit noong Lunes, sinorpresa ng bunsong kapatid ni Pangulong Benigno III ang lahat nang magpagupit ng napakaiksi dahilan para maniwala ang marami, higit na ang mga netizen na dumadaan si Kris sa matinding pagsubok, kagaya ng pagkasawi sa pag-ibig, sa pagsasabing karaniwan na reaksyon ng mga taong sawi ang pagpapagupit ng buhok.

Read more...