OFW ibinenta sa Jeddah

ISANG text message mula sa Jeddah ang natanggap ng Bantay OCW.
Ayon texter, isa siyang domestic worker o Household Service Worker, at may isang taon nang nagtrabaho sa dati niyang amo.
Kwento niya, ibinenta raw siya nito sa pangalawang amo na siyang pinapasukan ngayon.
May kontrata naman daw silang pinirmahan. Ayon sa napag-kasunduan 2,500 Saudi Riyal ang dapat sweldo niya sa present employer pero 1,800 lamang ang aktwal na natatanggap.
Bukod dito, 12 oras din umano siyang pinagtatrabaho at wala pang day off.
Nagreklamo na umano ang kanyang kapatid sa Bionic Manpower, ang ahensiyang nagpaalis sa kaniya, pero hindi ito inaksyunan hanggang ngayon.
Ang masaklap, wala raw siyang makausap sa Labor office sa Jeddah kaya’t idinaan ang reklamo sa Bantay OCW.
Pakiusap ng ating texter na matugunan ang kanyang reklamo sa lalong madaling panahon partikular ang tamang pasahod at ang  pagpapatupad ng tamang oras sa trabaho pati na ang day off.
Wala naman siyang balak umuwi ng Pilipinas. Kasalukuyan na naming inaasikaso ang problemang ito at inaasahan natin ang madaliang tugon ni  Labor Attache David Des Dicang mula sa tanggapan ni Secretary Rosalinda Baldoz ng DOLE.

Mahirap din palang kawilihan ng amo. Ito ang nasabi ng kapatid ng OFW na si Merasol Tablo sa Bantay OCW. Palibhasa’y naging mabuting OFW ang kanyang kapatid na si Josephine Oclarit sa kanyang employer sa Fujairah sa United Arab Emirates, kung kaya’t hangga’t maaari, ayaw na nitong pauwiin sa Pilipinas ang ating kabayan.
Noon pang Nobyembre 2013 ay nag-expire ang passport ni Josephine.  Pero sinadya ng amo na huwag itong ipa-renew.
Gusto na rin niyang bumalik ng Pilipinas.
Hihintayin naman natin ang magiging resulta ng aksyon na ginagawa ngayon ng tanggapan ni Labor Attache Dicang mula sa DOLE.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM
Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870  E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Read more...