Good news para sa lahat ng taong bumubuo sa seryeng Mirabella ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN – patuloy kasi itong humahataw sa ratings game at mas lalong dumarami ang naaadik sa kuwento ni Mira.
Sa survey ng Kantar/TNS nitong Lunes, nakakuha ang serye nina Julia Barretto at Enrique Gil ng 20.5 percent habang ang kalaban nitong Koreanovelang My Love From The Star ay nakakuha ng 11.0 percent.
In fairness, araw-araw ay nadadagdagan ang libu-libo nang followers ng loveteam nina Julia at Enrique, ibig sabihin, tanggap na tanggap na ng mga viewers ang tambalan ng dalawang bagets.
Sorry na lang sa mga nangnenega diyan dahil kabaligtaran ng inyong mga sinasabi ang nangyayari ngayon. May nagsabi pa nga sa amin na kahit daw medyo malayo ang agwat ng edad nina Julia at Enrique ay kering-keri pa rin nilang maging magka-loveteam dahil bagets na bagets pa rin ang itsura ni Enrique, as in pwede siyang magpaka-teenager at pwede ring magpaka-mature kung kinakailangan.
Anyway, sumusumpa ang binata na talagang wala siyang nililigawan ngayon, single na single siya, “but not ready to mingle”. Trabaho kasi ang focused ngayon ng binata at ayaw muna niyang bigyan ng oras ang panliligaw dahil hindi naman daw siya nagmamadaling magka-girlfriend.
“Wala pa talaga. Siguro when the time comes, dun ako magko-commit. Pero love life, love team muna saka yung work na ginagawa ko. Pero pag dumating talaga, siyempre open naman ako diyan,” ani Enrique.
Sa tanong naman sa kanya kung wala bang issue sa kanya ang sinasabi ng ilang detractors na parang support lang ang role niya sa Mirabella, ang tugon ng binata, walang-wala.
“I feel so blessed. Ang daming artists, pero ilan lang ang nabibigyan talaga ng opportunity na maipakita ang galing at talent. kapag may ibinigay talaga na opportunity sa iyo, kailangang ipakita mo talaga. Go lang,” chika ng Kapamilya actor.
Samantala, aminado naman si Julia Barretto na totoong kuripot siya – pero nasa lugar naman daw ang mahigpit na paghawak niya sa kanyang mga kinikita.
Sa isang interview, sinabi ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na, “Personality ko na talaga na medyo kuripot ako. Ha-hahaha! Actually kuripot talaga ako. I’m so scared to spend unless I know that it’s really what I want.
“You’ll know that you want it if you keep going back to it di ba? I feel kasi that there’s so many things that I want when I’m older na kaya alam ko na I want to save it.
Pero siyempre dapat may investments rin and my mom’s slowly teaching me that,” aniya pa. Dugtong ng dalaga, “I trust my mom so hina-hand ko sa kanya yung mga investments, yung mga ganu’ng stuff, money stuff.
Siyempre nag-agree kami ni Mommy na I’m going to save yung lahat ng naipon ko sa endorsements. Kasi pang-future ko na yun habang I’m still under her care and her home, I can still save up pa naman.
So siguro the things that I want to buy, siguro mangagaling na yun sa mga mall show, mga tapings,” hirit pa ng bagong prinsesita ng teleserye.
Pero sabi ni Julia, hindi naman daw niya pinagdadamutan ang kanyang sarili, lalo na kapag meron siyang mga bonggang achievements, “May prize ako. Ha-hahaha! Sinasabi ko sa Mommy ko, ‘I deserve a prize!’ Like let’s say a bag or a pair of shoes, what girls usually like to buy. I give myself a prize.”
Pangarap din daw niya na magkaroon ng sariling negosyo, “It’s actually my dream to have my own business like a clothing line or franchise a restaurants.
Besides being an actress I really want to be a businesswoman also but there’s still so many things I want to achieve in this business like 10 years, 20 years from now I still want to hopefully be acting in movies, making more TV shows and achieving awards.
“I want to be an actress and businesswoman at the same time hopefully. School is a must. I cannot not do it,” chika pa ng bagets.
( Photo credit to enriquegilfanpage )