Sulat mula kay V.C., ng Barangay Banale, Pagadian City
Problema:
1. Nagsara ang pinapasukan kong kompanya dahil nalugi raw ito.
Mabuti na lang at kahit paano ay may ibinigay na separation pay ang kompanya at may pabaon pa ang boss ko sa akin. Tapat kasi ako sa trabaho at di sa pagyayabang ay masipag ako dahil sapat naman ang pasuweldo nila at mabait ang boss ko. Palagi niya akong pinupuri sa harap ng ibang kasama ko sa trabaho.
2. Ngayon, sumasakit na ang aming ulo sa kaiisip kung anong negosyo ang puwedeng simulan. Kinakabahan ako dahil sa negosyo rin nabuhay ang kompanya. Kaya sumangguni ako sa iyo para basahin kung ano ang tamang negosyo sa aming mag-asawa. Oktubre 12, 1972 ang birthday ng misis ko at Peb. 10, 1973 ang birthday ko.
Umaasa,
V.C., ng Barangay Banale, Pagadian City
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at nasa pagitan naman ng Libra at Scorpio ang misis mo ay nagsasabing swak na swak o tugma nga kayong mag-asawa sa negosyong may kaugnayan sa pagkain.
Maaaring sangkap sa pagkain, o maaaring mga butil na may kaugnayan sa pagkain. Kaya nga ang grocery na halos araw-araw na nasa hapag kainan ng isang pamilya, tulad ng asukal, noodles, kape, itlog, bigas, mga delata, mantika, mga panahog, bigas, at kung anu-ano pa ay maaari ninyong isaalang-alang.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay suwetong-suweto rin sa isa’t isa, na nangangahulugang lagi lang kayong magsama, magtuwang, magsosyo o magtulungan sa itatayo ninyong negosyo, tulad ng naipaliwanag na sa Cartomancy, dahil wala pang limang taon singkad na pagnenegosyo ay mararamdaman n’yo na ang pag-unlad hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.
Graphology:
Ang inyong lagda na parehong initial lang tapos ay apelido na agad, na hindi nababoy at naburara, ang gumarantiya na simple-simple n’yo lang makakamit at pag-unlad at pagyaman kung ngayong taon sisimulan ninyo na ang negosyong nabanggit na sa itaas.
V.C., matutupad sa kapalaran mo ang kasabihang “blessing in disguise.” Dahil sa pagkawala ng trabaho, ito na nga rin ang magiging daan ng pagyaman. Simulan n’yo na ni misis ang negosyong binaggit sa itaas, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre, habang pula ang gamitin ninyong opisyal na kulay ng inyong negosyo, at makikita mo, sa nasabing panahon, sa 2017, sa pamamagitan ng negosyong grocery o kaya’y bigasan, magsisimula na kayong umunlad hanggang sa tuluyang yumaman nang yumaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.