‘Asiong Salonga’ Humakot ng award sa MMFF 2011

Pagkapanalo ni Dingdong kinuwestiyon?

MAAGA pa lang ay apaw na ang tao sa teatro ng Resorts World Hotel. Grabe ang attendance and very strict ang theater reception sa mga pinapapasok nilang bisita.

Marami pang may hawak ng imbitasyon ang hindi nakapasok dahil sobrang puno na ang hall na pinagdausan ng 2011 Metro Manila Film Festival Awards Night noong Miyerkules.

Medyo late na nag-start ang awarding – almost 9 p.m. na at natapos ng 1 a.m.. Pero sulit naman ang paghihintay at pagtitiyaga ng mga tao and they truly stayed till the last announcement was made.

Nakakatuwa ang hosts that night, sina kafatid na Ai Ai delas Alas, Papa John Estrada and Richard Gomez.

Naitawid nila nang maayos ang pagho-host ng event kahit medyo nakakaantok na nu’ng bandang midnight.
“Kung inaantok na kayo, aaliwin ko kayo!” sabay sexy dance ng kafatid nating Ai Ai in between takes.

Ha-hahaha! Ganyan kagaling humawak ng audience ang ating Comedy Queen.


Naunang pinarangalan ang mga new wave and indie films at nakakatuwa ang mga nagsipag-akyatang mga estudyante from different schools to accept their trophies.

Ang nanalong Best Actor sa New Wave Section ng indie films category ay si JM de Guzman for his sterling performance sa pelikulang “Pintakasi” while Iza Calzado won the Best Actress trophy for the same movie. Ang “Pintakasi” rin ang nanalong Best Picture.

Then nagsimula nang ianunsiyo ang mga major awards. Pitong pelikula ang naglaban-laban sa maraming kategorya – “Enteng Ng Ina Mo”, “Panday 2”, “Segunda Mano”, “Shake, Rattle & Roll 13”, “My Househusband”, “Yesterday Today Tomorrow” and “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”. Unang pinarangalan ang Best Float at napunta ito sa “Ang Panday 2” na balitang ginastusan talaga ng P2 million ni Sen. Bong Revilla.

Then the awarding went on and surprisingly, halos lahat ng major awards ay nakuha ng pinakakontrobersiyal na pelikula ng taon,  ang pelikulang inapi ng ibang producers at “mahihiwagang” mga nilalang – ang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” produced by Scenema Concept International and Viva Communications na runaway winner talaga kaya siguradong super happy ang lahat ng involved dito, lalo na siyempre ang mga bidang sina Gov. ER Ejercito at Carla Abellana.

Sure kaming napakasaya rin ng iba pang artista sa movie like Phillip Salvador, John Regala, Baron Geisler, Archie Adamos, Ronnie Lazaro, Dennis Padilla, Gerald Ejercito, Amay Bisaya, Ketchup Eusebio, Yul Servo, Ping Medina, Jaycee Parker, Valerie Concepcion, Paloma Esmeria and (introducing) Jericho Ejercito as the young Asiong Salonga. This is directed by Tikoy Aguiluz na pilit na pinatanggal ang pangalan niya sa credits ng movie.

Naiuwi ng “Asiong” ang mga sumusunod na awards: Best Picture, Best Director (Tikoy Aguiluz and Daryl dela Cruz), Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Screenplay (Roy Iglesias and Rey Ventura), Best Supporting Actor (John Regala), Best Cinematography (Carlo Mendoza), Best Original Theme Song (La Paloma by Ely Buendia), Best Sound Recording (Mike Idioma), Best Musical Score (Nonong Buencamino), Best Editing (Jason Cahapay and Ryan Orduna) and Best Production Design (Fritz Silorio, Mona Soriano, etc.).

The other awards tulad ng Best Actress ay napunta kay Maricel Soriano, Best Actor ay kay Dingdong Dantes (na kinukuwestiyon ng press dahil nga sa napaunang balitang nilakad diumano ito ng kampo ni Kris Aquino sa MMFF), Best Child Performer for Bugoy Cariño (Shake, Rattle & Roll 13), Best Supporting Actress for Eugene Domingo (My Househusband), Best Story for Chris Martinez and Marlon Rivera (Lunod episode ng SRR 13) and Gender Sensitive Movie for “My Househusband”.

Ang 3rd Best Picture ay nakuha ng “Shake, Rattle & Roll” at 2nd Best Picture naman ang “Enteng Ng Ina Mo”. Ang Lifetime Achievement Award ay iginawad kay Eddie Garcia.

Wala sina Maricel at Dingdong to receive their trophies. Ang balita, nasa States daw si Maria habang ang di naman pagsipot ni Dingdong ay binigyan na ng ibang kahulugan, “Nahiya sigurong tanggapin ang trophy dahil sa kumakalat na balitang nilakad lang ang award niya,” ayon sa isang kausap namin.

This, we have to investigate pa at sakaling mapatotohanan, this will affect the credibility of MMFF. Kawawa naman si Dingdong, he is a good actor. Sure kaming ibinigay niya ang lahat sa movie nila, kumbaga, victim lang siya rito.

“Bakit ang ‘Segunda Mano’ grade A rin sa Cinema Evaluation Board pero hindi man lang na-nominate sa mga technical aspects? Totoo bang dahil member ng CEB ang direktor nitong si Bb. Joyce Bernal kaya ganu’n?” tanong ng isang nakausap namin.

Ma at pa! Malay at pakialam namin sa kanila. Sabi ko naman sa kanila, hayaan na, ang mahalaga, nahakot ng “Manila Kingpin” ang major awards kaya sana ay makatulong ito sa sales ng pelikula.

Gusto naming ipaabot kina Maylyn Enriquez ng Scenema Concept, boss Vic and Vincent del Rosario ng Viva and Gov. ER Ejercito ang taos-puso naming pagku-congratulate. Para sa amin, si ER ang tunay na Best Actor.

Read more...