Angel ipinagsigawan: I love you Luckkyyyy!


Muling ipinagsigawan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa buong mundo kung gaano niya kamahal ngayon ang boyfriend na si Luis Manzano.

Kahapon nag-celebrate ng kanyang birthday si Luis, pero bago ito nagkaroon nga ng simpleng salu-salo ang TV host-actor kasama ang ilan niyang mga kaibigan at katrabaho, siyempre, nandoon ang kanyang girlfriend na si Angel.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angel ng isang litrato na kuha sa nasabing early birthday dinner. Ito ay may caption na: “Happy birthday to the most amazing man ever!! I love you soo much!!! (love) @luckymanzano.”

Noong nakaraang birthday naman ni Angel ilang araw na ang nakararaan, nakipagtulungan si Luis sa ate ng bida sa seryeng The Legal Wife para sorpresahin ito sa kanyang kaarawan.

In fairness, tanggap na tanggap pa rin ng pamilya at mga kaibigan ni Angel si Luis bilang boyfriend niya, at kahit daw si Gov. Vilma Santos, ang mommy ni Luis, ay botong-boto pa rin kay Angel. Ang tanong, kailan na nga kaya ang kasal?

( Photo credit to luismanzanofanpage )

Read more...