Carmina: Grabe! na-tense ako!


INAMIN ni Carmina Villaroel na talagang inatake siya ng tensiyon nu’ng muling magkrus ang landas nila ng kanyang ex-husband na si Rustom Padilla na mas kilala na nga ngayon bilang si BB Gandanghari.

Ayon kay Carmina, nagpapasalamat siya sa sisteraka ni Robin Padilla dahil hindi na ito lumapit sa kanya nang pareho silang maging bisita sa 18th birthday ng Kapamilya teen queen na si Kathryn Bernardo noong nakaraang buwan.

Naging malapit kasi si Carmina kay Kathryn noong magkasama sila sa seryeng Got to Believe habang si BB naman ay “tiyahin” ni Daniel Padilla na siyang escort ni Kathryn sa kanyang debut.

Kahapon, sa episode ng Kris TV, sinabi ni Carmina na na-tense siya nang bonggang-bongga nang makita niya si BB sa party, halos lahat daw kasi ng bisita ni Kathryn ay sa kanila nakatingin.

“Kaya siguro okay din na hindi na siya lumapit. Respect din kay Kathryn kasi parang it was her night. Darating din naman siya [sa tamang panahon].

Medyo na-tense lang ako, kasi noong dumating siya parang lahat ng tao nakatingin sa akin, sa amin, sa family ko, kay Zoren at sa twins,” paliwanag ng TV host-actress sa morning show ni Kris Aquino kung saan nga siya guest co-host.

Hirit pa ni Carmina, “Lahat na-tense talaga. Lahat na-tense for me. Buti na lang, ganoon na lang. Ang awkward talaga. Naniniwala ako sa perfect timing. Darating naman ‘yon, huwag nating ipilit.”

 

Read more...