Payo sa negosyo

Sulat mula kay V.C.,  ng Barangay Banale,
Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
Nagsara ang pinapasukan kong kompanya dahil nalugi raw ito.  Mabuti na lang at kahit paano, may ibinigay na separasyon ang kompanya at may pabaon pa ang boss ko sa akin.  Tapat kasi ako sa trabaho at di sa pagyayabang ay masipag ako dahil sapat naman ang pasuweldo nila at mabait ang boss ko.  Palagi niya akong pinupuri sa harap ng ibang kasama ko sa trabaho.  Ngayon, sumasakit na ang aming ulo sa kaiisip kung anong negosyo ang puwedeng simulan.  Kinakabahan ako dahil sa negosyo rin nabuhay ang kompanya.  Kaya sumangguni ako sa iyo para basahin kung ano ang tamang negosyo sa aming mag-asawa. Oktubre 12, 1972 ang birthday ng misis ko at Peb. 10, 1973 ang birthday ko.
Umaasa,
V.C., ng Barangay Banale, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa inyong guhit ng palad kapwa naman kayong nagtataglay ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa inyong palad ng misis mo. Ibig sabihin, tama ang balak ninyong mag-asawa, hindi sa muling pamamasukan, kundi sa pagnenegosyo kayo yayaman.
Cartomancy:
“Marami ang nagnegosyo pero konti lang ang umuunlad at yumayaman” ang nais sabihin ng  barahang Five of Spades, subalit ang ikinaganda, na sumunod na dalawang barahang Nine of Diamonds at Ten of Hearts, hindi kayo matutulad sa mga nagnegosyo na nalugi lang, sa halip, sa marubdob o seryoso nyong pagmamahalan at pagtutulungang sinupin ang itatayo nyong negosyo, tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap – ang pagkawa ng trabaho ang magiging sanhi at bunga upang sa susunod na limang taon, unti-unti ng umunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyang yumaman.
Itutuloy….

Read more...