Sa kabila ng lahat ng kanegahang naranasan ni KC Concepcion nitong 2011, kabilang na nga riyan ang super controversial na paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual, very positive pa rin ang pananaw niya sa buhay lalo na sa pagpasok ng 2012.
“Siyempre siguro pag nakatanggap ka ng highs, meron ding mga lows pero sa bawat maranasan mo na lungkot at hirap you have to have faith na nakaplano lahat yun, na ipasa-Diyos mo lahat ng plano mo beginning of the year pa lang,” chika ni KC sa isang interview.
“Hindi ako naniniwala sa swerte o malas, hindi talaga, ano yan e faith at nakaplano talaga ang lahat ng mangyayari sa iyo at may dahilan talaga ang lahat,” dagdag pa ng aktres.
And yes, tulad ng ilan sa atin ay may New Year’s resolution din si KC, “Well siyempre pagdating sa work, hindi ko na muna iisipin ang lovelife. Lovelife ko na muna yung mga viewers, sila muna yung mga boyfriend ko saka lovelife ko.”