Sulat mula kay Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Problema:
1. Lagi akong puyat sa trabaho dahil panggabi ang trabaho ko. Ako po’y 24-anyos na pero nang dahil sa labis na pagpupuyat at mas matanda ang anyo ko. Pero, kontento na ako kahit mahirap ang trabaho.
2. Mas mahirap kung wala ako trabaho. Ako’y may lisensiya sa aking propesyon pero hindi ito ang aking trabaho. Saan ba ako yayaman? Sa abroad? Sa kasalukuyang suweldo ay hindi ako yayaman.
Umaasa,
Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
A
Beth, ‘wag kang magre-resign o magsasawa sa kasalukuyan mong trabaho lalo na’t malaki naman ang suweldo, ang mahalaga mag-ipon ka ng mag-ipon ng puhunan. Kapag may sapat ka ng puhunan, sa taon 2018 sa edad mong 29 pataas, simulan mo ang negosyong may kaug nayan sa kurso o kaya naman’y kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at mga high tech na kasangkapan, makikita mo, lilipas ang limang taon, at mayamang-mayaman ka na!