Sam Milby: Mapili na ako, gusto ko pag nagka-gf ako siya na ang pakakasalan ko!

ALAS-DIYES ng gabi kahapon dumating si Sam Milby galing Amerika kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo at business partner na si Dominic Hernandez.

Dalawang linggo ang bakasyon ni Sam kaya inabot niya ang laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley noong Abril 13. Nagpang-abot din sila nina Enchong Dee, Rayver Cruz, Moi Bien at Piolo Pascual na nanood din ng Pacquiao-Bradley fight.

Habang nasa Amerika si Sam ay hindi naman niya nalimutang hindi mag-ehersisyo at sa katunayan ay namataan siyang nagdya-jogging sa kahabaan ng San Francisco, USA.

Sa Mayo 23 ay ika-30 taong kaarawan na ni Sam at nananatiling walang love life dahil aminadong mapili na siya ngayon.
“That’s why I’m picky now kasi gusto ko kapag nagka-girlfriend na ako, siya na ‘yung girl na I want to spend with the rest of my life,” say sa amin.

As of now ay hindi pa alam ni Sam kung ano ang mangyayari sa kaarawan niya kung matutuloy ba ang pinaplano ng manager niyang si Erickson na magkaroon ng intimate show sa SM Aura o may iba siyang lakad.

Tinanong namin kung bakit hindi sa Araneta Coliseum para birthday concert sana pero ipinagtapat sa amin ni Sam na never niyang inambisyon na mag-show sa malalaking venue.

Nagkataon lang daw na kasama niya noon sina Piolo, Christian Baustista, Mark Bautista at Erik Santos ng mag-show ang Pop Icons sa Big Dome noong 2009.

Katwiran ni Sam, “Ayaw ko ‘yung malalaking venues, nao-overwhelm ako, first, may stage fright ako.   “At pangalawa, I love intimate places, ‘yung tipong mas nakaka-connect ako sa audience, mas komportable ako pag maliit ang place.

I feel more comfortable, I feel I can share myself more, I feel I can share my music the way I want with people kapag intimate ‘yung place,” sabi ng leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel.

Kapag sikat na ang isang singer-performer ay ang Araneta Coliseum ang gauge, “True!  But still, my personal preference is not like that, I’m more into sharing my music than the bragging off na, ‘oh, may nagawa akong concert sa Araneta.’

“Mas gusto ko ‘yung na-share ko ang music ko sa tao sa gusto kong paraan like doing shows sa maliit na venue,” katwiran sa amin ng aktor.

Sabi pa, “Yung sa mga out of town shows na puno, for me I don’t consider it as concert, it’s raket.  For me kasi when you say concert, it has a full band, kumpleto talaga, ‘yung sa out-of-town more on minus ones lang, it’s different talaga.”

At nabanggit namin na malayo ang SM Aura dahil sa The Fort pa ito, hindi accessible lalo na ngayon na ginagawa ang EDSA at sobrang trapik.

Sabi naman ng handler ni Sam na si Caress Caballero, “Pag may fan base ka birthmate, kayang-kayang mapuno.  Like si Yeng (Constantino) nu’ng nag-show siya sobrang punumpuno kasi may fan base.”

Nasubukan na pala ni Sam noon ang Aliw Theater, “Sobrang laki for me, overwhelming, ako, type ko ang Music Museum din, kasi kumportable ako, I can talk more.

Kasi kapag malaki ang stage, hindi ako performer. Gusto kong gawin sa next concert ko parang Voyz Avenue, tipong acoustic, puro string instruments, full band, intimate ang mga songs.”

At kung hindi magbabago ang plano ay gagawa ng album si Sam ngayong taon dahil ang huling album niyang “Be Mine” ay noong 2011 pa. “May balak kaming gumawa ng album this year (2014), pero hindi pa nag-start,” sambit ng aktor.

Samantala, maski na hindi sunud-sunod ang movie at TV projects ni Sam ay sobrang thankful siya dahil magaganda naman daw ang napupuntang role sa kanya tulad noong 2013 para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala kasama si Judy Ann Santos.

“Dahil magagandang feedback na nakuha ko sa (role), na-recognize ako, I’m very happy about that,” say ni Sam.
At sa pelikula ay naging support siya sa “Four Sisters and A Wedding” kung saan naging leading man siya ni Bea Alonzo.

As of now ay nahinto ang shooting ng “The Gift” movie nila ni Anne Curtis mula sa Viva Films at Star Cinema dahil pareho silang busy sa Dyesebel at mas busy ang direktor nilang si Chris Martinez.

Samantala, wala pa ba silang project ulit ni Toni Gonzaga? “Wala pa, ‘yung sa amin palang ni Anne ang ginagawa namin at saka maraming fans ang nasasabik kasi nandidiyan lang sila, hindi nila kami iniwan maski na nagkahiwalay na kami ni Anne, sumusuporta talaga sila,” pahayag ng aktor.

Bukod dito ay nagpapasalamat din ang aktor sa mga ineendorso niyang produkto dahil maski na walang TVC ay nagkalat naman ang naglalakihang billboard ng Milano Shoes, Unisilver, Dermablend (Diana Stalder), Systema, Folded and Hung at Systema Toothpaste sa kahabaan ng Edsa, SLEX at NLEX.

( Photo credit to sammilbyfanpage )

Read more...