Pobre sa trabaho

Sulat mula kay Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Lagi akong puyat sa trabaho dahil panggabi ang trabaho ko. Ako po’y 24-anyos na pero nang dahil sa labis na pagpupuyat at mas matanda ang anyo ko. Pero, kontento na ako kahit mahirap ang trabaho. Mas mahirap kung wala ako trabaho.
Ako’y may lisensiya sa aking propesyon pero hindi ito ang aking trabaho. Saan ba ako yayaman?
Sa abroad? Sa kasalukuyang suweldo ay hindi ako yayaman.
Umaasa,
Beth, ng San
Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ka yayaman sa trabaho, bagkus yayaman ka sa negosyo, ay iyan ang nais sabihin ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa
iyong palad. Ibig sabihin, gamitin mo lang ang kasalukuyan mong trabaho upang makaipon ng puhunan. Kapag may puhunan ka na, subukan mong magnegosyo na may kinalaman sa natapos mong kurso. Makikita mo sa ganyang paraan – ikaw ay yayaman.
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapag nakipag-boyfriend ka naman, siya ay may kaya sa buhay o mayaman, sa ganyang paraan, preparasyon sa pagyaman, dahil ang boyfriend mo ay may kaya sa buhay, mas madali kang yayaman.
Itutuloy…

Read more...