John Lloyd may ibang babaeng ka-holding hands sa Boracay


Meron yatang nang-iintriga sa relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Nabasa namin ang isang short article sa getitfromboy.com where a reader apparently fed the gossip blogsite about John Lloyd’s ka-holding hands na babae na hindi si Angelica.

“Si John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban pa ba? Yung officemate ko kasi nakasabay si John Lloyd and Toni sa flight nila a few weeks ago para sa taping ng Home Sweetie Home sa Boracay and si John Lloyd daw may ibang ka holding hands hindi si Angelica Panganiban.

Nung nag-take sila ng picture, sabi ni JL, okay lang mag picture, wag lang ipo-post kasi personal daw sa kanya yun,” the reader, as posted by the blogsite, said.

Sino kaya ang babaeng ka-holding hands ni John Lloyd? Baka naman production assistant niya ito, o kaya ay secretary. Or somebody from the production na ka-close niya.

It is highly improbable na magdala si John Lloyd ng babae sa kanyang taping. He’s aware of the fact na maraming tao sa taping at marami tiyak ang makapapansin sa kanya kung magdadala siya ng babae.

Tiyak na hindi siya makaliligtas sa mga mata ng tsismoso’t tsismosa sa taping, no! We doubt kung other woman nga ang dinala ni John Lloyd at ka-holding hands niya when they were photographed together.

Hindi siya magluluko at ipapakita pa niya ang kanyang pagloloko. He is NOT that DUMB!

 

Read more...