Anne nakiusap kay Sam: Wag nang magsalita tungkol sa iskandalo sa B-day Party ni Vice


HOW true na kinausap ni Anne Curtis si Sam Concepcion at pinakiusapan itong i-deny ang nangyaring tarayan sa pagitan nila noong birthday party ni Vice Ganda?

Aware raw kasi si Anne na hindi na maganda para sa kanyang image ang masangkot uli sa controversy following her “I can buy you, I can buy your friend, I can buy this place” scandal.

Hindi nga raw talaga magsasalita si Sam pero kinulit talaga siya when he was interviewed kaya naman nagsabi lang siya na nagkaroon ng confrontation.

Hindi siya nagdetalye dahil napakiusapan nga daw siya ni Anne at ng girlfriend niyang si Jasmine Curtis-Smith. True ba ito, Sam? Anyway, merong bagong issue kay Sam.

It concerns his outfit sa nakaraang concert ni Gary Valenciano. We saw his kakaibang outfit sa isang fan page na nagsabing bakit daw hindi kumuha ng stylist si Sam.

Hindi kasi nagustuhan ng fan page operator ang suot niya sa concert ni Gary na parang overall na merong mahabang medyas. It was a big fashion failure.

But we saw in Sam’s friend’s Instagram account na merong stylist ang binata. Siguro ay gusto lang ni Sam na maiba lalo pa’t he’s sharing the stage with Gary V. At saka, ang feeling niya siguro ay carry naman niya ang outfit na ’yon.

( Photo credit to annecurtisfanpage )

Read more...