Kumita ng tumataginting na P38.5 million ang “Enteng Ng Ina Mo” na idinirek ni Tony Reyes nung first day nito.
Sa totoo lang, lumikha ng history pagdating sa first day gross ang pagsasanib-puwersa nina Vic at Ai Ai. Tinalo nito ang isa sa edisyon ng foreign film na “Spider-Man” pagdating sa first day receipts.
Bagay na ikinatataba ng puso nina Vic at Ai Ai.
Dating magkalaban sa takilya tuwing Metro Manila Film Festival sina Vic at Ai Ai pero ngayon nga ay nagsanib-pwersa sila para paligayahin ang mga Pinoy ngayong Pasko.
Sa malakas na puwersang ipinamalas ng “Enteng Ng Ina Mo” sa first day showing nito, inaasahang lalampas sa P300 million ang kikitain nito sa 10-day festival!
Ayon kay Ai Ai sa sobrang lakas sa takilya ng filmfest entry nila ni Vic, “Natutulala ako sa resulta! Natupad na naman ang wish kong maging number one ang movie namin! Thank you, Papa God at Mama Mary!”
At bilang pasasalamat, isang thanksgiving mass ang inihahanda ng mga producers ng “Enteng Ng Ina Mo!”