6 pa pasok sa Daniel Padilla Singing Contest

(Pumunta Bilang Audience sa Live Final Event at manalo ng Daniel Padilla Concert Tickets!)

KASING init ng summer ang labanan sa Daniel Padilla Singing Contest sa RisingStars dahil may napiling karagdagang anim na finalists mula sa Round 2 at Round 3 ng nasabing online singing showdown.  Ang anim na finalists na ito ay muling maghaharap-harap sa isang live contest finals na gaganapin sa ika-26 ng Abril 2014 sa Robinsons Metro East Activity Center.

Ang RisingStars ay tinaguriang pinaka-malaki at tanyag ng online karaoke sa Asya.  Kamakailan lamang ay nag-launch ito ng Daniel Padilla Singing Contest upang maka-discover ng mga bagong singing sensations na magkakaroon ng bonggang-once-in-a-lifetime-chance na maging pre-show performer na kakanta sa Araneta Coliseum, sa mismong araw ng concert ni Daniel Padilla.

Kung gusto mong masilip ang ilan sa mga finalists na ito, eto sila…

Pretty face and big voice…yan ang mga alas ni Clare Borja, ang napiling Jury’s Choice ng Round2:

Tatapatan naman yan ng cool and effortless performance ng simpatikong si John Eric Mandapat, ang Jury’s Choice ng Round 3:

Di ka magtataka kung bakit hinirang na ‘Top Voted from Jury Selection’ ang performances nina Aerone from Round 2 at Angela Modesto from Round 3…parehong heartfelt at soulful ang kanilang mga performances.

 

Round 2 and 3 Finalists Napili Na!  Pumunta Bilang Audience sa Live Final Event

At humataw din sa votes sina Micah Ting ng Round 2 at si Cyril Tuy ng Round 3 dahil sa combination ng sweetness and power ng kanilang mga boses.

 

 

 

Read more...