NAPANSIN ng ating texter….. 2209, na taga-Nabunturan, Compostella Valley, na madalas nadidiskarga ang baterya ng kanyang motorsiklo matapos ang tatlong beses na pagpapalit nito.
Mangyayari lamang ito sa kanyang motorisklo na gawa ng respetadong manufacturer kung mayroong problema sa electrical system o mayroong ikinabit na bagong gadget na siyang kumukonsumo sa kuryente ng baterya gaya ng isang malakas na busina.
Ang kaya lamang ng 12v volts na baterya ay ang mga ikinabit dito ng manufacturer nang bilhin ang sasakyan.Kung maraming idinagdag na gadget, maaa-ring hindi ito kayanin na suplayan ng kuryente ng baterya kung nakapatay na ang makina ng motorsiklo.
Maaari rin naman na grounded ang electrical system kaya kumokonsumo ng kuryente kahit patay ang makina nito.
Kung magdamag na nakokonsumo ang kuryente mula sa baterya, malamang ay hindi na ito magamit kinabukasan upang paandarin ang sasakyan kinabukasan.
Ang electrical system ay binubuo ng baterya (12V-3.5 Ah) at generator (0.110 kW/5,000 min-1 [rpm]). Ang headlight ng motorsiklo ay gumagamit ng 32 watts, ang brake/tail light ay 18/5 watts, ang front at rear turn signal lights ay dalawang 10 watts, ang mga instrument lights, neutral indicator, turn signal indicator at high beam indicator, at 12C-1.7 watts.
Ang electrical at mga ilaw ay ginagamit ng 15 ampere fuse. Kung bukod sa mga ito ay may idadagdag ang may-ari ng sasakyan, na-ngangahulugan na mas maraming kuryente ang nakukonsumo kaya mas mabilis ma-drain ang baterya.
Kung magkakabit ng on/off switch sa headlight ng motorsiklo, kakaila-nganin ang tulong ng isang eksperto upang matiyak na walang matatanggal na kable at iba pang koneks-yon dahil maaari itong makaapekto sa baterya.
Kung mali naman ang magiging koneksyon, maaaring magkaroon ng short circuit na mapapansin lamang sa mga mahabang biyahe o kaya ay kung ilulusong sa baha ang sasakyan.
MOTORISTA
XRM, OK pa?
GUSTO ko sanang bumili ng motorsiklo. Okey ba ang XRM 125? Made in Japan pa rin ba ang XRM ngayon?
…4415
BANDERA
OKEY pa ang XRM 125, bagaman meron ng mas bagong modelo at variant nito, ang ZN series ng Honda. Ang Makina ng XRM at ginawa sa Japan at galing pa rin sa Japan, bagaman ang ibang components nito ay gawa na sa Pilipinas. Gayunpaman, magandang makina ang XRM, basta mahusay ang pagkakamantine. Meron ding XRM Trail, na mas mataas at monoshock.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
YAM X-4 skeleton P12,000 0912-6321790
SWAP Rider J.2011 0935-8315298
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).
Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number).
PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769