Twice-to-beat edge puntirya ng SMB


 Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Air21 vs
San Miguel Beer
Team Standings: Talk ‘N Text (9-0); San Miguel Beer  (6-2); Alaska Milk (5-3); Meralco  (5-4); San Mig Coffee (4-4); Rain Or Shine (4-4); Air21 (3-5); Barangay Ginebra (3-5); Barako Bull (2-7); Globalport  (1-8)

PIPILITIN ng San Miguel Beer na makaiwas sa kumplikasyon at  sisikaping magwagi kontra Air21 sa kanilang pagkikita sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-8 ng gabi  sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang Beermen ay nasa solo second place sa kartang 6-2  matapos na magwagi kontra SanMig Coffee, 97-88, noong Sabado.
Kung mananalo ang Beermen sa Express ay makakamtan nila ang No. 2 spot at twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang Talk ‘N Text, na nakakumpleto ng 9-0 sweep sa elims, ay nagtapos sa unang puwesto. Kung matatalo ang San Miguel Beer ay pusibleng magkaroon ng playoff para sa ikalawang puwesto kung tatalunin ng Alaska Milk (5-3) ang SanMig Coffee sa pagpapatuoy ng elims sa Linggo.

At ito ang nais na maiwasan nina coach Melchor Ravanes at active consultant Todd Purves. Ang Beermen ay piangungunahan ng import na si Kevin Jones na unti-unting bumubuti mula nang halinhan si Josh Boone.

Makakatuwang ni Jones sina reigning Most Valuable Player Arwind Santos, June Mar Farado, Marcio Lassiter at Chris Lutz.
Ang Air21 ay galing sa 87-82 pagkatalo sa Rain or Shine noong Lunes.

Nais ng Express na magwagi sa hangaring hindi magtapos sa ikapito o ikawalong puwesto na magbibigay sa kanila ng twice-to-beat disadvantage laban sa  No. 1 o No. 2 team.

Si Air21 coach Franz Pumaren ay sumasandig sa import na si Wesley Witherspoon na tutulungan nina Paul Asi Taulava, Joseph Yeo, Mark Cardona at Aldrech Ramos.

( Photo credit to INS )

Read more...