Popsters may pagbabanta: Ayaw pumayag makasama ni Sarah si Julie Anne sa ASAP


HINDI welcome sa fans ni Sarah Geronimo ang chance na magkasama ang Pop Princess at si Julie Anne San Jose sa Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

When a poll was made by a Facebook fan page account, halos lahat ng comments ay against kay Julie Anne. Inis na inis ang Popsters sa poll asking for their reaction kung sakaling magkasama sa iisang stage sina Sarah at Julie Anne.

Many of those who reacted made some comparisons and sadly, they were almost one in saying na walang binatbat si Julie Anne kay Sarah. As in unanimous ang decision ng  “judges”.

“Gaya nga ng sabi ni sir gary v…‘No ONE comes close to SARAH GERONIMO. Thats a FACT!!!” may emphasis na tili ng isang fan ni Sarah na bwisit na bwisit sa fans ni Julie Anne.

“Anu ba yan? Bakit ba kinukumpara yang babae na yan kay Sarah G.? Eh ang layo layo naman nia jan. wala pa ngang napatunayan eh,” with sarcasm na comment pa ng isa pang avid supporter ni Sarah.

“Not really interesting…..baka mahawaan lang c sarah sa mali maling lyrics ni julia anne san jose,” one guy commented, obviously referring to Julie Anne’s recent production number in which she sang “Let It Go” at nagkamali siya ng pagkanta sa ilang part ng song.

For this guy naman ay, “D ko ma-imagine na andun si Japs sa ASAP. for sure, mao-OP yun buong-buo. Ahahah.”

Read more...