Cedric, Deniece, et. al tuluyan nang nakarma

PINAGBABAYARAN na ng mayamang negosyanteng si Cedric Lee at ng kanyang girlfriend na si Deniece Cornejo ang ginawa nilang pang-aapi sa komedyante at TV host na si Vhong Navarro.

Nakasama sa karma ang kanilang mga kaibigan na sumali sa pang-aapi kay Vhong na sina Bernice Lee, Simon Raz, Jose Paulo, Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.

Nagpalabas ng warrant of arrest kina Cedric Lee ang Taguig regional trial court.

Ang pinakamabigat na kasong isinampa sa kanila ay walang piyansa: serious illegal detention.

Bukod sa binugbog at binaboy nila si Vhong ay ikinulong nila ito ng ilang oras.

Sa palagay ko ay una nilang mararanasan ang makulong ng mahabang panahon.

Habang dinidinig ang kaso nila, maghihimas sila ng mga rehas na bakal hanggang di natatapos ang kaso.

May malaking posibilidad na sila’y mapapatawan ng “guilty” verdict at kapag nagkataon ay habambuhay sila’y mabibilanggo.

Paano pa ang negosyo ni Cedric at ang mga mararangyang buhay ng kanyang mga kaibigan?

Lahat ng mga kaibigan ni Cedric ay may mga kaya.

Si Guerrero ay tatakas sana ng bansa, pero siya’y napigilan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Itong si Deniece, na pinagsimulan ng lahat ay sising-sisi sa buong pangyayari.

Siya yung nagyaya kay Vhong na pumunta sa kanyang condominium unit na hindi niya alam ay may mga hidden cameras na inilagay ni Cedric.

Masyadong seloso itong si Cedric, parang walang tiwala sa sarili kahit na siya’y guwapo.

Ang sabi pa nga ng aking ina: Nasa huli ang pagsisisi.

Ang mga inaasahang tulong ni Cedric sa kanyang mga kaibigan na mga dating matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay hindi dumating.

Para siyang mainit na patatas na biglang binitiwan ng kanyang mga “padrino” dahil ayaw nilang madamay sa gulo.

Ang kayabangan ni Cedric ay walang kinahantungan.

Ang kalandian ni Deniece ang nagpasubo kay Cedric at kanyang mga kaibigan.

Sabi ng aking source sa National Bureau of Investigation (NBI), pinatsupa ni Vhong si Deniece at si Deniece naman ay binrutsa ng aktor sa condo ng babae.

Nabasa ng mga imbestigador ng NBI ang text ni Deniece kay Vhong: “Bad ka, bad ka!”

Ito’y matapos magharutan ang dalawa sa condo ng babae.

Ibig sabihin, nabitin si babae dahil hindi “inoldewey” siya ni Vhong.

Kaya’t sa pangalawang pagkakataon na dumalaw si Vhong kay Deniece ay nakaabang na si Cedric at kanyang mga barkada.

Siyempre, nakita ni Cedric ang pinaggagawa ng dalawa at ito’y nagwala at pinilit si babae na yayain muli si Vhong sa condo.

Sa police beat, kung saan na-assign ang inyong lingkod sa matagal na panahon bilang reporter noon ng Manila Bulletin, may tawag kami sa ganoong krimen: Crime of passion in a love triangle.

Mahirap sumasaw ang maraming kamay sa isang tasang suka.

Ayaw ko sanang magbigay ng comment tungkol sa dinaranas ngayon ng dating sikat na aktres na si Claudine Barretto, pero naaawa ako sa kanya.

Matagal ko na siya at kanyang mga kasamahan na napatawad sa ginawa nilang pagtulungan ang inyong lingkod sa airport dalawang taon na ang nakararaan.

Limot ko na ang mapait na karanasang yun.

Meron akong suhestiyon tungkol kay Claudine: Dapat siguro ay ibalik siya sa psychiatric ward sa isang hospital kung saan siya ay na-confine noon.

Malala na ang kanyang sakit: Ang tawag sa kanyang karamdaman ay paranoia.

Natatakot siya sa mga taong malapit sa kanya dahil pinaghihinalaan niya sila na patatayin siya ng mga ito.

Ito’y dulot ng droga. Ang ginagamit na droga ni Claudine ay shabu.

Noong nakaengkuwentro ko sila, alam ko na silang lahat ay nasa impluwensiya ng shabu.

Kahit anong lakas ng suntok na umabot sa kanila galing sa inyong lingkod ay nakakabangon pa rin sila at lumalaban.
Di nila iniinda ang malalakas na suntok na binigay ko sa kanila.

Ito namang si Claudine, na kailan man ay hindi ko nasaktan, pumapagitna pa habang nakikipaglaban ako sa kanyang mga kasamahan.

Sa halip na awatin ang kanyang mga kasamahan ay mura pa siya ng mura sa akin.

Kaya’t kayong mga kabataan, huwag ninyong tularan ang mga artista na gumagamit ng bawal na gamot kahit na gaano pa kalaki ang paghanga ninyo sa kanila.

Tingnan ninyo si Claudine: Sinayang niya ang kanyang kinabukasan dahil sa droga.

Read more...