SA kabila ng kaliwa’t kanang intriga at kontrobersiya na kinasangkutan niya, very positive pa rin ang pananaw ni John Lloyd Cruz para sa darating na Bagong Taon.
In fairness, kahit na nga sandamakmak na negative issues ang “pinagbidahan” ni Lloydie nitong 2011 ay buhay na buhay pa rin ang kanyang career.
Balitang unti-unti na uling nakakabawi si Lloydie sa kanyang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao, ayon sa ating source, patuloy daw ang panliligaw ng aktor kay Shaina ngayon para sila’y magkabalikan.
At mukhang bumibigay na raw uli ang sister ni Vina Morales sa pagpupursige ni John Lloyd.
Nitong nagdaang Pasko, halatang super happy na uli si Lloydie, at sabi nga niya, hindi na lang niya ine-entertain ngayon ang mga kanegahang issue sa kanyang buhay, basta ang mahalaga raw sa kanya ngayon ay ang kanyang trabaho at ang kanyang pamilya.
Feel na feel din daw ni Lloydie ang makapiling ang ilang less fortunate kids sa ating bansa, ang mga simpleng bagay daw sa kanyang buhay ang mas lalong nakakapagpasaya sa kanya.
Say ni Lloydie sa isang interview, “Magic is very hard to find. Nung bata ka mas madali maniwala sa magic. But now, especially during Christmas season, it’s easy to find that magical moment every now and then.
A very simple event na pwedeng ma-define yung magic is a couple of kids came to my home recently. They’re from this foundation I visited years ago. And then I saw them again.
That’s a magical moment for me. It reminds you to be simple and be a child again. Napakasimple. It gave me a warm feeling nu’ng nakita ko yung mga bata.”
Makapamilya rin si John Lloyd kaya nga nitong Pasko ay kasama niyang nagbakasyon ang kanyang pamilya sa isang out of town trip, “When I say family, lahat ‘yan pamilya sa father side ko.
So this season talagang madali lang para sa akin maramdaman or bumalik sa pagkabata. In fact, I have big plans for myself, for my family, including all my nieces and nephews, even my mom kasama. We are going to a trip.
“So I think it’s going to bring out the child in me there. Ang dami naming batang kasama so I’m really excited. In that sense, feeling ko magandang regalo yun, magandang pagkakataon sa akin na maging bata ulit and be around kids na relatives ko,” chika pa ng Box-Office King.
Inamin naman niyang hindi pa talaga siya handang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya, kahit daw ang pamilya niya ay hindi pa rin nagpipilit na siya’y lumagay na sa tahimik, “Actually, wala pa, wala pang ganu’ng klaseng pressure.
Maganda lang yung parang napapaisip ako tuloy, how I will raise my own family because nakita ko yung pamilya ko e, nakita ko kung paano kami pinalaki. Hindi siya madaling trabaho.
“Pero if you think about it, I still have time I guess. I am 28 years old now. I’ve been discovering a lot of good things about myself, about my surroundings especially involving my family. Tingin ko naman I have a good foundation. It’s a good start,” paliwanag pa ni Lloydie.