YES, nabawi nga ni Manny Pacquiao ang kaniyang boxing title recently against Timothy Bradley kaya buhay na naman ang dugo ng mga nakapaligid kay Pacman.
Kitang-kita sa gitna ng boxing ring ang wagas na ngiti ni Chavit Singson na parang siyang pumalit kay Jayke Joson sa pag-epal tuwing nananalo si Pacman – palaging siya ang tinatamaan ng cameras na parang TH na TH ang dating na pumapagitna sa photo ops and everything. Nakakatawa ang mga ito, OO.
It’s not an easy win for Manny dahil sobrang effort talaga ang ginawa niya. Kasi nga pag natalo siya – that would be the end of his boxing career. He has to retire dahil bagsak na ang premium niya as a prime athlete.
Ngayong win ulit si Manny, maraming kaakibat itong add-ons sa kaniyang propesyon – babango siya ulit sa endorsements, sa kaniyang political career, sa kaniyang financial status kesehodang nakaabang na si Kim Henares ng BIR – malamang na mismong si Kim ang sasalubong sa kaniya sa airport pagdating niya para singilin agad ng karampatang buwis. Ha-hahaha! At ang mga taong nakapaligid kay Manny, tiyak na magsisipagyabangan na naman. Alam niyo naman minsan ang mga langaw – mas mataas pa sa kalabaw gayong pumapatong lang naman. Kaloka!
“Alam niyo naman ang ganitong labanan, lalo na sa Las Vegas na pinaghaharian ng mafia – for sure ay pananalunin talaga nila si Pacman dahil pag pinatalo nila ito, tiyak na bagsak din ang negosyo nila roon. Sino pa ba ang paglalabanin nila sa susunod na makakapantay sa kasikatan ni Pacquaio, aber? Lahat iyan planado na.
Buti na lang kamo to our advantage ang resulta nito. Matagal nang laro iyan sa Vegas – hindi pa tayo pinapanganak ay sistema na iyan nila roon,” ani isang boxing enthusiast.
Marami lang ang nakapansin kay Mommy Dionesia na naka-white dress ba iyon na heavy sobra ang make-up. Eksenadora talaga ang matanda, hawak-hawak niya ang isang rosaryo at novena pero naka-dirty finger sign siya kay Bradley. As in, “Fu**k you” sign siya.
“Ginagamit na ng Dionesia na iyan ang Diyos – nakahawak ng rosaryo pero naka-dirty finger sa kalaban ng anak niya. Hindi na siya cute, she looked stupid with that. Hindi na siya nakakatawa. Mas mabuti pa nu’ng nandito lang siya at nagdarasal sa GenSan, hindi pa lumalabas ang tunay na pagkatao niya. Hindi maka-Diyos ang ginawa niya,” anang isang galit na galit na observer.
Napansin din namin ang pag-dirty finger ni Mommy D and we didn’t like it too. Kahit kami ay dismayado sa inasta ng matandang Pacquiao. Pero baka kako hindi niya napansin na ang panggitnang daliri niya ang ginamit niya sa pagturo kay Bradley. Baka hindi naman niya sinasadya.
“Bastos talaga ang dating ni Dionesia. Kita naman sa mukha niyang lukot na lukot sa galit habang naglalaban pa sina Pacquiao and Bradley. Gusto rin kasing sumikat kaya pumapel, iyon nga lang, hindi maganda ang ginawa niya. In bad taste. Ano na lang ang sasabihin sa atin ng international press, na ganoon ang ina ng boksingero natin. Ang sama ng dating,” dagdag pa ng kausap nating nabuwisit kay Mommy D.
Wait natin ang side ni Mommy D pagdating niya, baka meron siyang explanation why she did that. Huwag muna natin siyang husgahan ng 100% – 85% lang muna and let’s give her the benefit of the doubt, OK?
Photo: FHM’s video grab www.fhm.com.ph