Luis kinuntsaba ng mga kapatid ni Angel para sa surprise b-day party

NAKIPAGSWABWATAN si Luis Manzano sa ate ni Angel Locsin sa pag-organize ng surprise birthday party  ng kanyang pamilya para sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Kapamilya actress ang ilang larawan na kuha sa nasabing celebration, in fairness talagang belong na belong na uli ai Luis sa pamilya ng kanyang girlfriend matapos silang maghiwalay ilang taon na ang nakararaan.

“Aww, surprise birthday parteey pala namin ngayon! 😀 Thanks naman sa ate ko and friends! 🙂 di ko talaga halata kasi ang aga ha! Wala na daw time to celebrate sa balur.

Kakunchaba niyo pa si @luckymanzano ha! Ganda ng set up! Thank you!…” sey ni Angel. Actually, sa April 23 pa ang totoong kaarawan ni Angel, pero in-advance na nga ito ng kanyang pamilya dahil sa sobrang busy ng kanyang schedule.

Bukod sa kanyang kaliwa’t kanang endorsements, halos araw-araw na rin ang taping nila para sa The Legal Wife dahil kailangan na nilang magbangko ng episodes matapos ngang humingi ng bakasyon wi Jericho Rosales dahil sa nalalapit nitong kasal.

Si Luis naman ay magse-celebrate ng kanyang birthday sa April 17 at busy na rin sa taping ng upcoming singing reality show ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines Kids Edition.

( Photo credit to EAS )

Read more...