Mommy Dionisia agaw-eksena sa laban nina Pacman at Bradley


Sa laban pa rin ni Pacman kontra Bradley, agaw-eksena naman si Mommy Dionisia, talagang pumasok siya sa ring para lapitan at yakapin ang kanyang anak na kongresista.

Siguradong abot-langit ang pasasalamat nito dahil nanalo nga ang kanyang anak at walang masamang nangyari rito.
Ilang beses na kasing nagsabi si Mommy D na kung siya ang masusunod, ayaw na niyang makipagboksing si Pacman, baka raw kasi dumating yung time na pagsisihan na ng boksingero ang patuloy na pakikipaglaban sa ring.

Pero mukhang mabibigo muli si Mommy D sa kanyang pakiusap sa anak dahil mismong si Manny na ang nagsabi matapos nga niyang talunin si Bradley na hindi pa ito ang panahon para huminto siya sa boksing.

Naging usap-usapan din sa social media ang paglapit at pagyakap ni Mommy Dionisia kay Bradley, marami tuloy ang na-curious kung ano kaya ang sinabi ng nanay ni Pacman sa boksingero.

Natawa naman kami sa mga nabasa naming comment ng netizens tungkol dito. Sey nila, baka raw sinabihan ni Mommy D si Bradley na pwede na siyang maligo ngayong tapos na ang laban – dahil nangangamoy na raw ito. Ha-hahaha!

( Photo credit to INS )

Read more...