NANGANGAMBA ang kampo ni Vhong Navarro para kay Deniece Cornejo, na maaaring makulong ng walang piyansa dahil sa mga kasong kriminal na isinampa ng TV host-comedian laban sa kanila ni Cedric Lee at iba pa.
Ayon sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, si Deniece ang pinaka-vulnerable sa lahat ng mga akusado, at dahil dito, marami ang natatakot para sa kaligtasan ng modelo, lalo na ngayong na-dismiss na ang kasong rape na isinampa niya kay Vhong.
Hindi man diretsahang sinabi ng abogada, posible kasing maipit na si Deniece ngayong siya na ang nadidiin sa kasong pambubugbog kay Vhong at posible pang makulong matapos maglabas ng kautusan ang Department Of Justice na kasuhan ng grave coercion at serious illegal detention ang grupo nina Cedric, ang mga nasabing kaso ay walang kaukulang piyansa.
Ibig sabihin, habang dinidinig sa korte ang mga kaso, mananatiling nasa loob ng kulungan ang mga suspek. Sey pa ng kampo ni Vhong, pwedeng-pwedeng mag-testify noon bilang star witness si Deniece laban sa grupo nina Cedric Lee pero mas pinili nitong kumampi sa negosyante at nagtahi-tahi pa diumano ng kasinungalingan laban kay Vhong .
Sabi pa ng lawyer ng komedyante, “If she suddenly speaks out, it’s going to be very damaging, so the easiest thing to do is for her to just disappear to obviate that eventuality or that possibility. I am then concerned.”
Hirit pa nito, “For all the rest, for all the respondents, actually my feelings from the very beginning is, ‘You speak your truth,’ like what Vhong did. If you say the truth – ‘I’m not part of the conspiracy’ – and do not support each other…because to the extent na pinagtutugma-tugma niyo ang inyong kwento, ibig sabihin no’n, sabay-sabay kayong lahat.”
Dagdag pa ng legal counsel, “Well, unfortunately for her at this point, the matter is there is a case against her, and the case against her is non-bailable.”
Ang tanong, nasaan na nga ba sina Cedric at Deniece, pati na rin ang ilan pang lalaking nambugbog kay Vhong? May report kasi na may isang “Cedric Lee” na nagpa-book sa isang airline patungong Dubai pero kinansel din daw ito.
SI Cedric Lee nga kaya iyon o nagpanggap lang? Kamakalawa, umapela ang abogado nina Cedric Lee sa korte at humiling ng motion for reconsideration kasabay ng pagsasabing unfair sa kanyang mga kliyente kung ngayong weekend maglalabas ng arrest warrant laban sa tropa nina Cedric Lee.
( Photo credit to vhongnavarrofanpage )