Bistek mamalasin kay Kris, matutulad kina Joey at Ipe


Ngayon ay pinaiikot na naman niya ang tumbong ng mga tao sa isyu sa kanilang pagdi-date kuno ni Q.C. Mayor Herbert Bautista.

Marami ang galit sa kaniya more than sa mga natutuwa dahil merong mga inosenteng kaluluwa ang nasasaktan sa pakikipag-date nito kay Mayor Bistek.

Umiiyak daw ang dalawang anak nina Bistek at live-in partner nitong si Tates Gana na siyang kinikilalang First Lady Ng Q.C. kahit hindi sila kasal.

“Ang hilig-hilig kasing pumasok ni Kris sa alanganin. Gustung-gusto niya talaga yung lalaking may sabit, para siyang natsa-challenge. At siya ang salita nang salita para sa kanila ni Bistek ha samantalang tahimik lang naman si lalaki.

Kasi nga, kampante siyang hindi siya idedenay ni Bistek dahil hawak nila ang pamahalaang ito. Subukan ni Herbert na i-deny siya ay mainsulto at pag-iinitan tiyak ito ni P-Noy.

“Benggador pa naman ang pamahalaang ito. Not Krissy, Bistek must not hurt Krissy or else baka kasuhan siya ng Malakanyang at mawala bigla sa puwesto.

Anong kaso? Naku, magaling ang mga Aquino – kahit sa pagpatay ng daga ay puwede nilang ikaso kahit kanino maalis lang sa puwesto,” anang isang observer.

Kungsabagay, hindi na bago sa amin ang usaping ganyan. Kaya tahimik na lang dapat ang lahat para hindi pag-initan. Kaya tama lang ang statement ni Tates sa Instagram niya – na di dapat mag-revenge.

Hayaan na lang kay God ang bagay na ito dahil He is most powerful na siyang puwede nitong ipanangga against Kris and Malakanyang. How do you fight nga naman kasi a presidential sister, aber?

Kaya ang puwede mo na lang talagang takbuhan ay Diyos kasi nga ang makakalaban mo rito ay mga nagdi-diyos-diyosan. Ha-hahaha!

“In fairness naman kay Mayor Herbert, very responsible father naman siya, kahit sa past girlfriend niya ay hindi siya nagpabaya bilang tatay ng kanilang naging mga anak, kaya suffice to say na mabuting ama rin siya ng Quezon City.

But if I were him, itigil na niya ang pakikipaglapit kay Kris Aquino dahil walang mabuting idudulot ito sa political career niya.
“Pag naghiwalay sila wasak normally ang mga lalaki.

Sirang-sira. Rerember Mayor Joey Marquez? Look at Phillip Salvador, after nilang maghiwalay ni Kris, anong career ang naiwan kay Kuya Ipe? Wala. Mabuti nga kamo si James, naisahan si Kris.

Iyon nga lang, palaging pam-blackmail sa kaniya ni Kris ang anak nilang si Bimby. Kaya sunud-sunuran na lang si James sa lahat ng kagustuhan niya.

“Wait na lang si Kris pagsapit ng 2016, pag hindi na nakaupo ang kuya niyang panot. Pupulutin din lahat ng mga iyan sa kangkungan.

Baka hindi nga umabot sa 2016 ang pagbaba ni P-Noy, ‘no!” anang isang bading na abogadong nakausap namin.

Read more...