SUMUSUMPA si Kim Chiu na okay na talaga sila ng dating best friend na si Maja Salvador at sinisiguro niya na hindi lang plastikan ang naganap na pagbabati sa pagitan nila ng bagong girlfriend ni Gerald Anderson.
Sa isang interview, sinabi ni Kim na magandang birthday gift para sa kanya ang pag-aayos nila ni Maja, at least daw ngayon ay makakahinga na siya nang maluwag dahil wala na siyang bagahe sa kanyang dibdib.
Nang makausap naman namin si Kim kasama ang iba pang members ng press sa launching ng official soundtrack album ng teleseryeng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nila ni Coco Martin, nakiusap pa si Kim na huwag na silang intrigahin ng dating BFF.
Nagkausap na raw sila nang masinsinan at mutual ang kanilang desisyon na tapusin na ang kung anumang kanegahan sa kanilang dalawa.
Sa isang Fanpage interview naman ay nabasa namin ang paliwanag ni Kim kung paano sila nagkabati ni Maja, ayon sa aktres, “Nagkita kami accidentally sa gym.
As in last week lang, nagkataon lang talaga. Eh, dati talaga, sa gym kami lagi nagkikita tapos, matagal-tagal ding hindi kami nagkikita doon.
“Hanggang nagkita kami. Nagkagulatan sa pinto. Ha-hahaha! Pero hindi pa rin kami nag-usap. Maya-maya tineks niya ako. Baka raw puwede kami mag-usap.
So ako naman, naisip ko, antagal na nito, tapusin na nga para everybody happy. So yun na, okay na kami. Pareho na kaming nakangiti,” chika pa ni Kim.
Bago umalis patungong Amerika si Kim kasama si Xian Lim, sinabi nitong wala na raw dahilan para patuloy silang mag-iwasan ni Maja. Babu na raw sa mga kanegahan.
Pero feeling ba niya, maibabalik pa ang pagiging mag-best friend nila? “Tingnan natin. Malay, hindi ko alam. Come what may na lang siguro,” ang tanging naisagot ni Kim sa panayam naman ng friendship nating si Ogie Diaz.
( Photo credit to kimchiufanpage )