GOOD day po! Ako po si Khamille Faye Dayang. Sa next semester pa po ako makaka-graduate dahil may mga naiwan pa po akong mga subjects. Ang course ko po ay B.S. Biology.
Nais ko po sanang hingin ang inyong tulong kung anu-ano pong trabaho ang pwede kong aplayan?
Maaari na po ba akong mag-apply ngayon habang semestral break pa? Or kailangan tapusin ko po muna ang course ko next sem bago po ako mag-apply?
Sana po ay matulungan ninyo ako.
Maraming salamat po.
Khamille
REPLY: Para sa iyong katanungan Khamille, ang maipapayo ko mas mabuting tapusin mo muna ang iyong pag-aaral lalo’t isang semester na lamang at makakatapos ka na sa iyong kursong B.S Biology.
Pero kung talagang gusto mo ng mag-apply sa trabaho ay pupwede naman lalo na kung hindi naman magkakaroon ng conflict sa iyong pag-aaral. Iba pa rin siyempre ang naka-graduate ka sa kolehiyo lalo’t ilang taon na rin ang iyong ibinuhos sa pagsusunog ng kilay o sa iyong pag-aaral
Kaunting paghihintay na lamang o ilang buwan na lamang ay makaka-graduate ka na rin kaya mas mainam na tapusin na lamang ito.
At sa iyong katanungan Khamille kung anu-anong trabaho ang pwede mong aplayan sa iyong kursong B.S. Biology, napakaraming trabaho ang naghihintay saiyo sakaling makatapos ka na kursong kinuha mo.
Kadalasan na ang mga Biology graduate ay nagiging medical representative ng malalaking pharmaceutical company.
Pero ang hindi alam ng nakararami nating kababayan na maraming trabaho ang naghihintay sa mga Biology graduate dahil ito ay maituturing na “key employment generating industry.”
Ilan sa mga trabaho na maaari nitong pasukan ay ang agri business, crop production, contract farming, seed supply, agri chemicals, farm machinery distribution, marketing at retail sales, plant at seed breeder gayundin ang chemical industry
Dir. Nicon Fameronag
DOLE Director for Communications/Spokesperson
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!